Naimbitahan ang BISTADO sa naging final judging ng ngayo’y nasa ikalimang taon na ng National Parol-Making Competition (NPMC) under the Office of the President’s Social Secretary Office (SOSEC).
Sa pakikipagtulungan sa DepEd (Dept. of Education), idinaos ang nasabing event sa bakuran ng Malacanang Palace kung saan ang mga prominenteng personalidad sa magkakaibang larangan ang naging mga hurado.
Sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, ang sikat na fashion designer Francis Libiran, Interior Designer Cecil Ravelas at concert director Paolo Valenciano, ang bumuo ng 2026 panel of judges.
Layunin ng event na mapatingkad at ma-promote ang pinoy tradition na paggawa ng “parol” upang maenganyo ang pagiging creative, craftsmanship at mapaunlad ang kolaborasyon sa pagitan ng government agencies, mga kalahok na schools at kanilang mga komunidad, at mga kabataang estudyante mula grade 7 hanggang grade 12.
Sa tema nitong “Kabataang Pilipino: Tanglaw ng Pag-asa,” nire-recognize ng event ang mga kabataang pinoy bilang mahahalagang taga-ambag sa kanilang mga komunidad at pagiging pag-asa ng bansa.
Nire-recognize din ng event ang mga hamon na hinaharap ng mga kabataang pinoy sa makabagong panahon, kasama na ang mga usapin sa kanilang ‘safety’ at isyu sa karahasan sa mga schools at ang dapat na ‘shared responsibility’ ng mga pamilya, communities at mga institusyong nagpoprotekta, guide at nag-empower nang susunod na henerasyon.
Ang 2027 parol-making competition ay may limang mahalagang “core values” na isinusulong, gaya ng “Peace, Hope, Healing, Youth Leadership, at Unity.”
Bilang simbolo ng tradisyonal na pag-celebrate ng Christmas, nagiging espesyal ito para sa mga pinoy na may hangaring maka-inspire ng resilience, positve change at ams maaliwalas na kinabukasan.
Nagkaroon ng online voting simula noong Nov. 9 at nagtapos nitong Nove 19. Magiging bahagi ng final judging ang online voting at may bigat itong 10% ng total votes.
Samantala ang nalalabing 90% na magiging batayan ng apat na napiling mga hurado ay susundan ang mga criteria na: ‘Relevance to the theme 30%,’ (Clear expression of hope, promotion of peace and the positive role of youth; inspiration and emotional impact), ‘Creativity & originality 25%’ ( Original design, innovative use of materials, storytelling and distinct artistic identity), ‘Craftsmanship & technical excellence- 20%’, ( Precision, durability, structural integrity, quality of the lighting and overall presentation), ‘Cultural identity & symbolism’- 15% at online voting -10%..
Dalawang beses na inikutan ng apat na hurado ang total na 115 entries from all over the country dahil may entries na kailangang hintayin ang pagdilim sanhi ng mga ginamit na “solar lights” na bahagi ng kagandahan at katingkaran ng mga parol.
Sa naging deliberasyon ng mga judges, nagkasundo sila sa maraming mga entries na anilaý sumimbolo at nag-represent ng mga temang hinahanap ng mga pinoy.
Ayon kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, “hinanap ko talaga yung pagiging simple and yet with a strong message of hope, love, and the usual values na noon pa ma’y part na ng ating tradition and culture.”
Saad naman ni fashion designer Francis Libiran, “sobra akong na-amaze doon sa brilliant use of materials that are known in their places and how they put them together to showcase not just the style and beauty but the very essence and spirit of Christmas.”
Hirit naman ni interior designer Dr. Cecil Ravelas, “this kind of competition is so inspiring. I got inspired by all of the entries especially on how they try to connect with our emotions, what with those exquisite lighting, designs, materials used, and just everything that tried to meet their desired goals of relating their stories or the story of their localities.”
“Siguro kung ako ang gagawa ng parol, it will be a big lantern of a filipino family that exemplifies love, loyalty, hope, understanding at yung mga kasama nitong mahahalagang bagay sa buhay ng mga Pilipino. Ito yung panahon na tunay namang naipapakita natin kahit sa ganitong simbolo ang pagkakaisa at pagmamahal natin sa isa’t-isa, pamilya at bansa,” dagdag pa ni Gov. Santos-Recto.
Pinuri at pinasalamatan din ni Gov. Vi ang lahat ng mga estudyanteng lumahok at kanilang mga schools and communities.
“You are all amazing, wonderful and inspiring. Just keep inspiring us and be a good example to this country,” banggit pa ng Batangas Governor.
“Looking at those entries made me realize how truly talented and skilled our young people of today. Ang dami ko ding naalala while roaming around and inspecting those parol. Noon din kasing nasa school ako, gumagawa din ako ng parol, but these kind of lanterns as I see them, wow talaga–world class,” pagbabahagi pa ni Francis Libiran.
Sinundan pa ito ng pagpuri ni Dr. Ravelas sa paraan ng paggamit ng mga indigenous, recycled, sustainable, and locally sourced materials ng mga entries,
Ngayong darating na November 28, Sabado gaganapin ang awarding ceremony.
Mananalo ng cash prizes at iba pang premyo ang top three winners mula sa sektor ng mga estudyante, kasama na ang laptop, mobile phone packages at mga cash prizes para sa:
1st Place ₱1,000,000
2nd Place ₱500,000
3rd Place ₱300,000.
Mayroon ding mapapanalunan ang Top Three Winners – Schools, kasama ang photo and video editing package, in addition to the following cash awards na:
1st Place ₱500,000
2nd Place ₱300,000
3rd Place ₱200,000
At pipiliin din ang Top Three Winners mula sa Schools Division Offices na makakatanggap naman ng:
1st Place ₱300,000
2nd Place ₱200,000
3rd Place ₱100,000
Ang top three winning schools ay iimbitahan sa Malacañang Palace for the Christmas Tree Lighting and Awarding Ceremony on 28 November 2026, where their final rankings—first, second, and third place—will be officially announced.
Ang Office of the President ang mag- provide ng travel assistance, accommodation, meals, at transportation for the participating learners and school representatives, subject to the official arrangements.


