Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jed Madela, naaliw sa Fox News

Hindi napigilan ng mahusay na champion singer na si Jed Madela ang pagkaka-capture ng kanyang mukha sa isang news clip na inilabas ng FOX News.

Sa isang ulat sa naturang kilalang news network, may balita hinggil sa pagdalaw ni US President Donald Trump sa Pilipinas, kaugnay nga ng ASEAN Summit.

At sa isang bahagi nga ng POTUS news clip ay makikita si Jed Madela, sa isang pinoy news footage.

Ikinaaliw ito ng magaling na singer na nag-post pa sa kanyang socmed account na “nasa Fox News kami.”

As usual, hati ang reaction ng mga netizen dahil may mga nagsabing hindi naman dapat ginagawang big deal ng gaya ni Jed ang mga ganung pangyayari lalo’t “least respected” umano sa USA ang Fox News.

May mga natuwa din naman sa reaksyon ni Jed na kahit daw pala mahusay at sikat ng singer ay tila na-starstruck pa rin sa mga ganung ganap.

Pinuri naman ng ilan si Jed dahil na-i-post nga niya ang naturang reel o photo after ng makabalik si Trump at hind nga daw nito sinabayan ang media buzz during the ASEAN Summit.

Samantala, marami naman ang looking forward sa gaganaping New Year’s countdown concert ng 3Voices kasama ni Jed sina Martin Nievera at Sofronio Vasquez.

Magaganap ito sa Theater the SOLAIRE sa December 31, at 9pm.

“Literal naming sasalubungin ang bagong taon, 2027, kaya’t sa mga gustong makisaya, tara,” ang paanyaya pa ni Jed.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles