♈ ARIES (March 21–April 19) – Huminto sandali at tawagan ang loved one na nasa isip mo. Kahit limang minuto sa tawag at dagdag na 10 hanggang 15 minuto sa mga bagay na mahalaga sa iyo ay makapagpapaganda ng araw. Pakinggan ang puso nang hindi iniiwan ang isip. Doon lalabas ang creative solution.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Malayo ang mararating ng isang maliit na act of kindness. Kung nahihirapan kang pumili sa tama at mali, obserbahan muna nang walang judgment at hanapin ang middle path. Suriin din kung paano ka nag-aambag sa relationships. Tanggapin ang tulong at gamitin ang determination mo para kumilos.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Patuloy kang humaharap sa buhay kahit mahirap, kaya alisin ang masks, fear at anxiety. Kung merong health concern, ituloy ang medical care at huwag ding balewalain ang emotional stress na matagal mong dinadala. Harapin ang feelings at maging mas assertive sa sariling buhay.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Mas gumagana sa iyo ang genuine emotion kaysa pilit na logic. Piliin ang peace at commitment sa goal, buhay o taong mahal mo. Kapag malinaw kung ano at sino ang priority, mas madali ring makikita ang tamang direksyon.
♌ LEO (July 23–August 22) – Ilipat ang focus mula sa ingay sa paligid patungo sa inner vision mo. Mas umasa sa sariling judgment at piliin ang nagbibigay ng value, fulfillment at gana sa araw-araw. Manatiling bukas sa bagong experience.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Merong pakiramdam ng loss o incompletion kahit malayo na ang narating mo sa personal at professional life. Natapos na ang ilang cycles, habang naghihintay pa ng closure ang iba. Ituon ang tingin sa destination na gusto mo at huwag magpaligaw sa distractions.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Matagal kang nakabitin sa pagitan ng dalawang direksyon, pero hindi permanente ang sitwasyong ito. Kailangan mong gawin ang unang deliberate step. Bawasan ang fear at dagdagan ang faith. Pansinin din ang opportunity na nasa harap mo ngayon.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Matagal mong pinairal ang puso at optimism, pero kailangan na ring isama ang rational thinking. Nasa iyo na ang ilang bagay na dati mong gusto, kaya huwag puro pagkawala ang tinitingnan. Suriin kung sino ang aligned sa vision mo at tunay na sumusuporta. Magtiwala sa intuition.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Ipagdiwang ang visible at tahimik mong achievements, pero huwag hayaang matabunan ng applause ang halaga ng loved ones. Panatilihing priority ang meaningful relationships at experiences. Pahalagahan at ibahagi ang blessings na madalas mong nakasanayan.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Malaking decision period ito para sa iyo. Gusto mong gumawa ng stable at konkretong moves, at hawak mo na ang pagpili ng direksyon. Piliin ang responsable at nagbibigay ng inner freedom, kahit merong kailangang palampasin. Kumilos nang kalmado kahit marami ang sabay-sabay na nangyayari.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Matagal mong ipinagpapaliban ang malaking desisyon dahil sa financial at material security. Hindi sapat ang dagdag na oras. Kumuha ng impormasyon, gumawa ng plano, timbangin ang pros and cons, at isama ang intuition. Linisin ang isip at tutukan ang goal.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Oras nang putulin ang internal loop na paulit-ulit mong binabalikan. Nariyan ang solid relationship o core tribe na mapagkukunan mo ng strength. Puwede kang lumayo sandali para mag-reassess, pero bumalik nang mas malinaw ang vision. Panindigan ang beliefs at magsalita nang malinaw sa relationships.


