Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Caloy Yulo, umaming nakikipag-sex bago ang kumpetisyon

Pinag-uusapan sa maraming online sites ang naging very candid na sagot ni Olympian Caloy Yulo sa tanong sa kanya ni King of Talk, Boy Abunda sa muli nitong pagsalang sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Sa naging takbo ng pag-uusap nila ng mga updates sa relasyon nito kay Chloe San Jose, hindi nakalusot kina Caloy at Chloe ang tanong hinggil sa pagiging “intimate” nila bilang alam naman ng madla na sila nga’y nagsasama na sa iisang bubong, ika nga.

Sa intriguing question ni Kuya BOy kung “myth” ba o may katotohanan ang isyung ang mga atleta umano ay hindi nakikipag-loving-loving o nakikipag-niig sa kanilang mga asawa o partner, kapag mayroong game o performance gaya ng sa kaso ni Caloy bilang isang gymnast.

“Matagal ko na pong naririnig ang ganyang kuwento. But I beg to disagree na hindi po totoo iyan. At least sa kaso ko, hindi naman napatunayan na nakakaapekto sa performance ko kung the previous night ay nakipag-sex ako. Actually, mas nagiging relax pa nga ako, focused at mas ganado. Ibang energy ang naibibigay, kaya’t para sa akin po, hindi totoo yun. It’s a myth talaga,” bahagi ng paliwanag ni Caloy na kaswal na kaswal ang pagkakalahad.

“It’s all in the mind. Sometimes, a great happiness po, di ba, can usually boost you up the next day. We’re humans. We’re men, kapag gising mo, okay ka na ulit, e. Mataas na ulit ‘yung testosterones nating mga lalake. At least I can speak for myself po, and this is my own experience and opinion,” dagdag pa ng Olympic gold medalist, habang katabi nito ang natatawa lang na si Chloe.

Matatandaang sa mga nakaraang panahon ay may mga kilalang atleta gaya ni Manny Pacquiao na naniniwalang nakaka-apekto sa “laban” niya kapag nag-engage siya sa sex bago ang “laban sa lona.”

Sinegundahan pa ito ng ilang mga manlalaro naman mula sa mundo ng basketball.

Samantala, wala pang planong magkaroon ng anak sina Caloy at Chloe kapag sila’y nagsama na after ng kanilang kasal very soon.

Hindi rin sila nag bigay ng anumang detakye sa mangyayaring kasalan dahil nais daw nila itong gawing intimate at personal para sa mga mahal nila sa buhay, mga kaibigan at sasaksi sa kanilang pagmamahalan. 

Nais din daw nilang e-enjoy muna ang company ng bawat isa at bata pa sila para maging mga magulang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles