Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Carmelle Collado, unang Asian winner ng Eurovision

Nakalikha ng kasaysayan si pinoy singing sensation Carmelle Collado, nang tanghalin itong grand winner sa katatapos lang na Eurovision Song Contest Asia 2026.

Si Carmelle ang kauna-unahang Asian winner bilang ito rin ang first edition para sa Asia ng naturang singing contest na nagsimula pa noong 1952 at kadalasang napapanalunan ng mga taga-Europe at Latin America.

Ginanap sa One Bangkok Forum sa Bangkok, Thailand noong November 14,  ang singing contest na dinaluhan  ng labing-isang (11) bansa mula sa Asia.

Nagpasiklaban sila sa mga kantang may genre ng power ballads, pop-dance hits and pyrotechnics from the makers of the cult European kitsch fest.

Ang 19-anyos na delegado ng Pilipinas ay nagwagi para sa kanyang masaya at mahusay na pagkaka-interpret ng song entry na “Sobra-Sobra” (Too Much), isang awitin na nagbibigay pugay sa mga babaeng matitikas at mga palaban.

Nagkaroon ng dalawang proseso ng pag-judge sa performance ng mga kalahok.

Nandiyan ang pagbibigay ng 8 points [para sa third placer nila, 10 points para sa second placer at 12 points para sa first placer at 3 points each sa ‘rest of the contestants.’

Ang mga bansang kalahok ang magbibigay ng nasabing puntos at hindi pwedeng iboto ng bansang kalahok ang sarili nilang kalahok.

Ang ikalawang panggagalingan ng boto o puntos ay galing sa mga viewers worldwide na may accreditation o access sa Eurovision na siyang producer ng show.

Si Carmelle ang nanguna sa mga bansang nagbigay sa kanya ng mga puntos, at siya din ang nakakuha ng mataas na points mula sa mga viewers.

Ang host na bansang Thailand ang pumangalawa sa Pilipinas, na sinundan ng mga bansang Vietnam, Malaysia at Laos, pagkatapos ay Nepal, Cambodia at Bangladesh.

Ang labing-isang Asian countries na sumali sa Asian staging Eurovision at mga awiting lahok at singers:

Bangladesh — Represented by Beatmosphere (“Tumi Ele”)

Bhutan — Represented by Nyendra (“Lhayi Semo”)

Cambodia — Represented by Monetrey (“I Let You Go”)

Laos — Represented by Thinla (“BAE”)

Malaysia — Represented by Aina Abdul (“Bluest Sky”)

Mongolia — Represented by Beck (“Chamguigeer (Without You)”)

Nepal — Represented by Pratik Himal Rai (“Ananta Maya”)

Philippines — Represented by CARMELLE (“Sobra-Sobra”) — Inaugural Winner

South Korea — Represented by JUNHEE (“DEEP DIVE”)

Thailand (Host) — Represented by MANG x DAOU (“Aroma”)

Vietnam — Represented by Tóc Tiên (“EM TIÊN”

Ayon sa mga tala, ang “Eurovision is the world’s biggest televised live music event, drawing 131 million viewers in 2026, and over the past 70 years has helped to launch the careers of global superstars such as ABBA and Celine Dion.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles