♈ ARIES (March 21–April 19) – Friends ang sentro ng araw mo. Lalabas kung sino sa inner circle ang hindi kumikilos para sa ikabubuti mo. Posibleng komprontahin mo siya, pero kaya mong magsalita nang hindi tuluyang sinisira ang relasyon. Ikaw ang magpapasya kung gaano kalaki ang access niya sa buhay mo. Gawing batayan ang kilos niya.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Oras nang gawin ang matagal mong pinag-iisipang malaking desisyon tungkol sa future. Malinaw na ang susunod na hakbang sa career, at posibleng magbago ang paraan mo ng pagkita ng pera. Handa ka na sa pagbabagong ito, kaya kumilos.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Magaan at liberating ang takbo ng araw, na posibleng magdala ng breakthrough. Hindi mo kailangang pilitin ang mga pangyayari. Kusang lalapit ang opportunities at influential people.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Malalim ang pagbabagong pinagdaraanan mo kahit hindi ito nakikita ng iba. Haharap ka sa mahihirap na desisyon, pero mas madali mong magagawa ang kailangan. Bahagi ito ng pag-angat mo.
♌ LEO (July 23–August 22) – Pansinin ang mga taong makikilala mo ngayon. Isang bagong kakilala, lalo na friend of a friend, ang posibleng maging mahalaga sa future mo. Lumabas, makihalubilo, at huwag mahiya.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Mababago ang usual weekend routine mo, at hahayaan nitong maging mas efficient ka. Posibleng kakaiba sa simula, pero mabilis mong makikita kung bakit tama ang adjustment. Huwag mag-overthink.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Malaking relief ang araw matapos ang nakakapagod na retrograde season. Mas bukas ang isip mo sa unusual na idea at bagong experience. Gawing actual experience ang ideyang matagal mo lang pinag-iisipan. Panahon para magsaya.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Mas madali mo nang bibitawan ang kontrol sa sitwasyong hindi mo kayang baguhin. Ito ang huling tulak para tuluyang mag-move forward. Darating ang inner peace matapos ang mabigat na retrograde period.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Oras nang lumampas sa small talk at pag-usapan ang mas personal na bagay. Ang kausap mo ay taong akala mo kilala mo na nang lubos, pero meron pa kayong matutuklasan sa isa’t isa. Madali mong magagabayan ang usapan, at lalalim ang relasyon.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Oras nang ayusin muli ang finances. Babalik ang motivation mo sa planning at budgeting, at magiging mas madali ang proseso dahil sa pagbabago sa daily habits. Work smarter.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Malakas ang energy at confidence mo ngayon. Wala kang pakialam sa opinyon ng iba, kaya mas natural kang kikilos ayon sa gusto mo. Mapapansin ng mga tao ang presence mo.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Gagaan ang matagal mong dinadala. Maiintindihan mo kung bakit kailangang matapos ang isang sitwasyon at tatanggapin ang mga bagay na wala sa control mo. Ang tahimik na oras sa bahay ang magdadala ng aha moment at closure.


