Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

John Lloyd Cruz at anak na si Elias, may TV commercial na

Masaya ang online world nitong linggo dahil sa magkasunod na balita sa mga celebrity fathers na tila nagpapakita nga ng magandang example sa marami.

Nauna na diyan ang chance encounter nina James Yap at Kris Aquino, kasama ang anak na si Bimb.

Then, bigla ding umere na sa maraming platforms ang kauna-unahan namang TVC nina John Lloyd Cruz at anak nitong si Elias, anak nito kay Ellen Adarna.

Ayon sa mga kaswal ng digital world, napakaganda daw makabalita ng mga recent developments sa relasyon ng mga tatay sa kanilang mga anak na akala ng marami ay inabandona na o pinabayaan.

Sa kaso ni Lloydie kay Elias, never naman itong nangyari pero dahil siyempre nasa ina nito ang kustodiya ng bata, hanggang visitation rights lang ang keri na maranasan ni Lloydie.

Yun nga lang, mas open sila at liberal sa blended family setting na matatawag kaya’t tila mas higit na komportable ang relasyon nina Lloydie at Elias.

At dahil sa lumabas na TVC nila mula sa isang kilalang “gamot” na matagal ng associated sa mahusay na aktor, masaya ngang makita na kasama na niyang ine-endorse na rin ito ng anak.

“Mas masarap pakinggan kapag anak mo ang nagsasabi sa iyo ng “ingat”, sey nga ni Lloydie sa naturang famous line niya sa naturang commercial.

Although may mangilan-ngilang hindi masaya sa buhay, iniintriga nilang siguro daw ay wala ng pera si Lloydie kaya’t nagtitiyaga na naman itong maging endorser ng naturang famous na gamot.

May mga namba-bash ding kahit si Ellen ay hinayaan ang anak na magka-pera sa pagtatrabaho kasama ang ama dahil mukhang naghihirap na din daw yata ito?

Nakakaloka, pero sadyang sa panahong ito, marami pa rin talagang hindi tinitingnan ang kasiyahan at kabutihan ng puso ng maraming mga pamilya, sa kasong ito, ang relasyon ng mga ama sa anak nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles