Mukhang handa na ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho na salubungin ang Pasko at ibahagi ang diwa nito sa iba, ayon sa video interview na inilabas ng Kapuso PR.
Sey niya, “Masarap sa pakiramdam na ikaw ‘yung nakakapagbigay ng liwanag sa ibang tao. Antidote to sadness, loneliness, get out of yourself…think of other people and extend some kindness to them.”
Kaya naman, excited na rin siyang ipamahagi sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang sikat na macaroni salad na taon-taon niyang ginagawa.
“Ito po ‘yung paraan ko para ipakita ang aking appreciation sa lahat ng taong nakasama ko sa isang buong taon, sa lahat ng mga nakatulong sa akin, at syempre sa aming family.”
Gaya nga ng payo ni Jessica Soho, maging #LiwanagNatinAngIsatIsa, mga Kapuso! Panoorin dito ang Christmas Station ID: https://www.facebook.com/share/v/1JXugw6uiG/


