Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dingdong Dantes, masaya sa mga bagong karakter ng The Master Cutter Book 2

Masayang ibinahagi ni Dingdong Dantes kung gaano siya nagpapasalamat sa “The Master Cutter: Anak ng Sinulid.”

Sa isang interview, thankful ang aktor sa suportang ibinibigay ng mga manonood ng kanilang serye.

Sey ni Dingdong, “Kung wala ‘yung mga tumatangkilik at nanonood, wala naman din kami dito hanggang ngayon. Kaya nga nagkaroon ng Book Two dahil ‘yun ay request nila at gusto nila manatili ang programa.”

Samantala, kinagigiliwan naman at nae-excite rin ang cast sa pagpasok ng mga bagong karakter tulad na lamang ni Tom Rodriguez at ng dalawang beauty queens na sina Ahtisa Manalo at Herlene Budol.

Dagdag pa ni Dingdong “Ang saya namin dun sa entry ng bagong characters, kagaya nila Ahtisa, Herlene, at, of course, si Tom Rodriguez, who plays a very, very important role. Sabi ko, ang intense ng role ni Tom. Ang lalim ng character niya.”

Abangan ang The Master Cutter: Anak ng Sinulid gabi-gabi sa GMA Prime. Mapapanood naman ang bagong episodes nito tuwing Biyernes sa Netflix.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles