Nag-iisang Filipino film at animated entry ang pelikula ni Bianca Umali na “Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko” sa Asian Next Wave Competition ng 2026 QCinema International Film Festival.
Si Bianca ang boses sa likod ng karakter na si Ella sa nasabing animated feature ng GMA Pictures na hango sa sikat na comic book series ni Julius Villanueva.
Una nang inanunsyo na ang “Ella Arcangel” ang opening film sa naturang international film festival na gaganapin ngayong November 13 to 22. Kuwento ito ni Ella, isang batang mambabarang na nakikipagsapalaran sa mundong puno ng misteryo, panganib, at labanan.
Grateful si Bianca na maging boses sa likod ng karakter ni Ella. “Isang karangalan po ang mapabilang sa ganitong festival at makasama ang mga taong para po sa sining ng pelikula ng ating minamahal na bansa,” wika ng Sparkle actress, na itinuturing ang Ella Arcangel na isang “project made by heart.”
Ang nasabing animated film ay ginawaran ng ₱1.5-milyong QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong 2023


