Muling nangunguna ang mga radio station ng GMA Network na Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 Forever! sa Mega Manila!
Ayon sa October 2026 data ng Nielsen Radio Audience Measurement (RAM), nagtala ang Super Radyo DZBB, ang flagship AM radio station ng GMA Network, ng 56.2 percent audience share.
Malayo ito sa DZRH na may audience share na 14.7 percent at sa DZMM na mayroon namang 11.4 percent.
Pagdating naman sa FM stations, nangunguna rin ang 56 percent audience share ng Barangay LS 97.1 Forever!.
Sumunod dito ang Love Radio na may 16.2 percent at Yes! FM na may 7.5 percent.
Patuloy lang na makinig sa napapanahong balita, mahahalagang impormasyon, at komentaryo sa Super Radyo DZBB.
Para naman sa mga nakakaaliw na programa at song requests, palaging tumutok sa Barangay LS 97.1 Forever!


