Pinag-uusapan ngayon ang isang malaking produksyon na posibleng pagsamahan ng mga sikat na sikat na mga artista noong 90’s dahil may nagka-interes na bilyonaryong “fan” nila noon na gawan sila ng big comeback film project.
May mga ini-line up ng mga sikat na artista noong 90’s na nagka-interes, kasama na ang ilang beses din namang nabigyan na ng comeback project na very controversial actress na talaga namang super big star noon.
In fact, isa talaga siya sa kinikilalang “reyna” ng TV at pelikula, what with her awards, box-office hits and TV series na umaabot ng taon sa ere sa pamamayagpag.
Until mapag-usapan ang possible casting ng isang mas batang aktres na nakilala din noon as a child actress pero naging versatile sa husay nito sa komedya at drama, at naging isang kilala at award-winning din hanggang sa mga panahong ito.
May asawa’t anak na si dating child actress na noo’y nakakatrabaho si sikat na aktres noong 90’s na hindi naman gaanong pinalad ang buhay may asawa, pero masaya naman daw ito sa kanyang mga anak.
At dahil hindi daw yata naging maganda ang kanilang turingan at working relationship noon, isinumpa talaga ni dating child actress na never na niyang pinapangarap na makatrabaho pa itong muli.
Sey pa ng mga sources, “pareho silang magaling. Kapwa din sila nagsimula bilang mga child actresses hanggang sa showbiz na sila nagdalaga at nagka-asawa. Pero sobra ngang big star si mas matured actress. Talagang kaya nitong ipapatay ang isang teleserye kapag gusto niya o ayaw niya ang mga katrabaho niya. Marahil, nabiktima niya nga iyang si dati at award-winning actress kaya matindi ang pagsumpa nito sa kanya.”
Pero dahil sa bilyonaryo nga si producer na dati nilang fan at ito pa daw ang balitang personal na may akda ng gagawing film, inaasahan daw ditong mananaig ang kanyang “salapi” upang mapapayag na magkasama ang dalawang idol na idol niya.
Aabangan natin ang work in progress na film project na iyan mga Ka-BISTADO.


