Binalot pa rin ng matinding kalungkutan ang mundo ng stand up comedy at mga comedy bars, kasama na ang mga nakakakilala kay Ate Gay sa showbiz, dahil eksaktong November 1, nang tuluyan ng magpa-alam ang komedyante.
Ayon sa mga nakatatandang kapatid ng mahusay na komedyante, parang alam na daw talaga ni Ate Gay na mamamatay na siya after siyang magkaroon ng mga atake sa puso ilang linggo lang makaraan ang pagdaos niya ng “LIVING FUNERAL” noong October 15,
Dinaluhan ito ng malalapit na mga kaibigan at katrabaho ni Ate Gay, Gil Aducal Morales sa totoong buhay, na pinag-usapan nga sa socmed dahil tila kakaiba ang naturang pag-celebrate sa buhay ng komedyante na nakilala sa pag-impersonate kay National Artist Nora Aunor at mas naging tanyag dahil sa uri ng kanyang komedya partikular na ang bansag sa kanya bilang “DUBSMASH Queen.”
September 2025 nang i-anunsyo ni Ate Gay na na-diagnose siya ng stage 4 cancer na “mucoepidermoid carcinoma,” a rare type of cancer that affects the salivary glands.
Labas-masok sa ospital si ate Gay simula noon subalit noong November 2025, ay sinabi na nitong “grumadweyt ” na siya sa mga radiation at chemotherapy sessions dahil ayon na rin sa mga doktor ay kumalat na din sa ibang parte ng katawan nito ang “cancer.”
Binigyan na siya ng taning ng mga noo’y doktor na sumuri sa kanya subalit dahil sa determinasyong mabuhay, sinikap ng kilalang komedyante na lumaban.
Umabot pa nga nitong October 2026 ang naging laban nito hanggang sa magkaroon na siya ng stroke at ibang kumplikasyon na tumama sa kanyang pulmonya.
Marami ang tumulong kay Ate Gay na mga kilalang personalidad sa showbiz at pulitika, hanggang nitong mga huling buwan ng 2026 kung kailan kahit ang PCSO General Manager at ilan pang kasamahang komedyante ay muling nanawagan ng pag-ayuda sa lumobong hospital bills nito.
“It is with profound sadness and heavy hearts that our family announces the 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 of our 𝗯𝗲𝗹𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗚𝗶𝗹 𝗔𝗱𝘂𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗲𝘀, lovingly known to many as 𝗔𝘁𝗲 𝗚𝗮𝘆, on 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲. After bravely fighting for his life, while surrounded by his family, our beloved Ate Gay has peacefully passed away. During this difficult time, our family would like to express our deepest gratitude to everyone who extended their prayers, love, financial assistance, and unwavering support throughout his battle. Your kindness and generosity have meant so much to our family. We kindly ask for your continued prayers for his eternal repose and for strength and comfort for our grieving family. Rest peacefully in the loving arms of our Lord, Ate Gay. You will forever remain in our hearts. With love and gratitude, The Family of Gil Aducal Morales,” ang bahagi ng anunsyo sa socmed ng pamilya ni ate Gay.
Wala pang inilalabas na detalye sa wake ni Ate Gay.
Nakikiramay po ang BISTADO sa mga naulila ng mahusay at mabait na komedyante.


