Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – November 2

♈ ARIES (March 21–April 19) – Ibigay ang buong effort dahil kaya mong sorpresahin ang lahat, pati ang sarili mo. Kapag umandar ang momentum, mahirap ka nang pigilan. Pabor ang personal goals, romance at self-satisfaction.

♉ TAURUS (April 20–May 20) – Mag-isip bago kumilos at ipasulat ang anumang kasunduan. Iwasan ang sitwasyong sisira sa reputation, overspending at pagbabayad sa pagkakamali ng iba. Tahimik lang sa plano at paghusayin ang skills.

♊ GEMINI (May 21–June 20) – Kailangan ang pagbabago para umangat. Dagdagan ang credentials at subukan ang posisyong hahamon sa isip at kakayahan mo. Pabor din ang lifestyle change o home improvement na magpapagaan sa araw-araw.

♋ CANCER (June 21–July 22) – Kunin muna ang kumpletong facts bago gumawa ng hakbang. Ihanda ang mga tanong at linawin kung sobra ang hinihingi ng nakatataas. Huwag magmadali dahil nasa panig mo ang oras.

♌ LEO (July 23–August 22) – Suriing mabuti ang options bago pumili. Isang tao ang posibleng kumbinsihin kang akuin ang responsibilidad na lampas sa kaya mo sa emosyon, pera o katawan. Umatras kapag nalalagay ka sa alanganin.

♍ VIRGO (August 23–September 22) – Kapag duda, tumanggi. Tumutok sa long-term plans at oportunidad na gagamit sa iyong skills at experience. Iwasan ang emotional spending at huwag bayaran ang maling desisyon ng iba.

♎ LIBRA (September 23–October 22) – Maglaan ng oras sa self-improvement at bagong look para tumaas ang kumpiyansa. Ayusin ang bahay at gumawa ng espasyo para sa skills o hobbies. Gawin mismo ang trabaho dahil pabor din ang romance.

♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Manood at makinig muna bago sumali sa isang sitwasyon. Suriin ang lahat ng alternatibo at linawin ang tunay mong nararamdaman. Huwag akuin ang responsibilidad sa desisyon ng iba.

♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Ipakita ang enthusiasm para makahikayat ng suporta sa positibong pagbabago. Pabor ang usapan at biyahe dahil magdadala ang mga ito ng ideya at impormasyon. Planuhin ang detalye at piliin ang proyektong mahalaga sa iyo.

♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – Tutukan ang responsibilidad at huwag hayaang guluhin ng negatibong impluwensiya ang iyong goals. Panindigan ang iyong paniniwala para makahikayat ng katuwang. Huwag magpatalo sa pressure o emotional manipulation.

♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Tumutok sa responsibilidad at financial obligations. Huwag magpa-pressure sa pagbabago kung hindi ka pa handa. Alamin ang iyong karapatan at hanapin ang kompromisong maglalapit sa iyo sa goal.

♓ PISCES (February 19–March 20) – Repasuhin ang finances, health concerns at mga dokumentong malapit nang mag-expire. Huwag hayaang sirain ng desisyon ng iba ang iyong plano. Tumulong kung kaya, pero huwag isakripisyo ang sariling pangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles