Nasaksihan ng BISTADO ang 42nd PMPC Star Awards for Movies na naganap noong Oct. 25 sa Winford Resort and Casino Manila, kung saan iniluklok sa pinaka-mataas na karangalan ang tatlong showbiz icons sa respective categories na nagwagi sila ng multiple honors.
Na-induct sa Hall of Fame category sina Vilma Santos, Ricky Lee at Michael Idioma.
Ito ang unang pagkakataon sa 42-taon ng PMPC Star Awards na may mga movie icons silang iniluklok sa Hall of Fame.
Nanguna diyan ang Star for All Seasons Best Actress Vilma Santos-Recto na nakapagtala ng sampung (10) Best Actress wins mula sa PMPC.

Nakuha niya ito dahil sa mga naging victories niya as Best Actress sa mga pelikulang “Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dolzura Cortez (1994), Bata, Bata Paano Ka Ginawa (1999), Anak (2001), Dekada ’70 (2003), Mano Po 3 (2005), In My Life ( 2010), Ekstra (2014), When I Met You in Tokyo (2024) at Uninvited (2025).”
Naging madamdamin ang pasasalamat ng aktres-pulitiko na pinasalamatan ang PMPC at lahat ng mga direktor, artista, producers at mga nakasama niya sa mga nasabing pelikula.
Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang mga kanyang mga tagahanga na simula pa noong mag-artista siya 60 years ago ay kasama na niya at itinuturing na kapamilya.
Nagbiro pa ang Star for All Seasons na hindi naman siguro nangangahulugan na last award na niya ito mula sa Star Awards, at mas lalo ng hindi yun nangangahulugan na mag-stop na siyang gumawa pa ng pelikula.
Si Vilma Santos ay muling nakagawa ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang aktres na nailuklok sa Hall of Fame ng Star Awards, gaya ng pagkakaluklok din niya sa Hall of Fame ng FAMAS at pagkakaroon ng walong Best Actress wins mula sa URIAN, at multiple BA honors din mula sa iba pang major award-winning bodies sa bansa.
Gaya ni Santos, nakagawa din ng kasaysayan sina National Artist Ricky Lee at Movie Sound Engineer Michael Idioma dahil iniluklok din sila sa Hall of Fame.
Si National Artist Ricky Lee ay nanalo ng kabuuang labing-isang (11) Best Screenplay award, habang si Idioma naman ay nakapagtala ng labing-anim (16) na Best Sound Engineer.

Ayon sa panuntunan ng PMPC, i-elevate nila ang isang bahagi ng pelikula, aktor man iyan o mga tao sa likod nito kapag nakapagtala na siya ng sampu (10) o higit pang panalo.
Samantala, naririto naman ang iba pang ‘big winners’ para sa taong ito.
Movie of the Year: I’mPerfect (Nathan Studios)
Movie Actress of the Year (Tie): Maricel Soriano (Meet, Greet & Bye) and Maris Racal (Sunshine)
Movie Actor of the Year: Jericho Rosales (Quezon)
Movie Director of the Year: Lester Pimentel Ong (The Delivery Rider)
Indie Movie / Director of the Year: Sunshine (Directed by Antoinette Jadaone)
Supporting Acting Honors: Richard Quan (How to Get Away with My Toxic Family) and Sylvia Sanchez (I’mPerfect)
Lifetime Achievement recognitions for Sharon Cuneta and Rez Cortez, and box-office honors for Vice Ganda (Takilya King) and Nadine Lustre (Takilya Queen).


