May mga papeles na hindi nadadaan sa “amen,” mga kabisto.
Isa na namang samahang panrelihiyong Pinoy ang pinag-uusapan dahil sa magkakaibang kasong lumitaw sa Brazil. At para malinaw: magkakaibang tao, taon, at paratang ang usapan.
Isang ministro nito ang nakalistang akusado sa kasong kriminal kaugnay ng buwis na nagsimula noong Marso 2026 sa Florianópolis, Santa Catarina.
Meron namang isa pang kasalukuyang lider naman, lumilitaw sa hiwalay na kasong pagbabanta na nagsimula noong Agosto 2024 sa parehong estado. Pagbabanta ang nakasaad sa record — hindi kasong buwis.
Aba, magkaiba pala ang kailangang ipaliwanag!
Dumadagdag ito sa bilang ng mga kaso ng mga banal-banalan tungkol sa tax evasion at iba pang kaso. Clue: Kung may nasa isip kang personalidad ngayon, hindi siya. Bagong kaso ito!
Clue? Samahang nakilala sa programang may “daan” sa pangalan ang kinabibilangan ng new candidate.
Yun na. Bistado!


