Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Hunk Actor, biglang yaman kahit walang project

Hindi nakaligtas sa bashing ang isang kontrobersyal hunk actor na naging mabenta sa socmed last year dahil sa sunod-sunod nitong movie projects.

Kahit hindi naman daw talaga si hunk actor ang pinaka-bida sa mga nasabing projects, sumesentro sa kanya ang mga publisidad dahil daw sa kuneksyon niya sa mga producers na sinasabing ” mga kaibigan” niya.

Kumbaga, pinu-push daw talaga na gawing bongga ang career nito at e-establish din ang kanyang pagiging hunk actor na leading man material.

Ayon sa matatabil na Marites, mabilis ang naging pagbulusok ni hunk actor na pogi naman talaga at may talent sa pag-arte.   

Kaya lang, may kung anong kulang daw sa appeal nito at karisma para makakuha ng maraming fans o supporters kaya’t hanggang sa ngayon ay hindi matapos-tapos ang dapat ay launching movie nito.

Until this 2026 nga daw kung kailan dapat ay na-launch na si hunk actor as promised subalit out of the blue nga daw ay halos wala na ditong mabalitaan ang madla maliban sa ilang socmed activities nito na panay nasa beach o tumatakbo sa mga bundok.

Pero ang clincher ng tsikang ito ay ang kumakalat na tsismis na ang isa pala sa mga kaibigang producers ni hunk actor ay may dramang binuy-out umano ang kontrata nito sa isang outfit.

At dahil marami ang nagulat sa pagkakaroon umano ng isang townhouse unit ni hunk actor na fully furnished na at nasa isang subdivision na may mataas na presyo ang lupain, nag-wan-plus-wan ang marami sa solid source nito?

Hindi naman daw kasi ganun kalaking artista si hunk actor bukod pa sa hindi naman kumikita ang mga naging movie projects nito last year for him daw to have such a property.

May tsismis pa ngang may bago na din itong dina-drive na kotse at nabili na rin nito ang pinapangarap na “grand piano” na noo’y lagi niyang sinasabi sa mga interviews niya na dream ng kanyang ina na magkaroon at sana ay mai-regalo niya.

Ang tanong ng netizen ngayon ay nagpagarahe na ba si hunk actor kay producer kaya’t kahit wala itong pinagkakakitaan ay naka-afford ng mga naturang properties?

Pero teka lang, ang balita naman kasi ay machong lalaki si producer na nag-buy out ng contract niya?  In fact bilang negosyante ay madalas ding nababalita sa mga showbiz portals na mahilig itong mag-produce ng mga adult movies at all-women films na ipinalalabas sa ibang platforms?

Hmmm???

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles