Mas magiging bright, fun, at feel-good ang weekday afternoons as Jolina Magdangal and Marvin Agustin reunite in “Mommy Guard,” a fresh and lighthearted family rom-com premiering October 19, Monday to Friday at 2:30 PM on TV5 and ABS-CBN platforms.
Gaganap si Jolina bilang Tina, isang devoted mom na gagawin ang lahat para sa anak niyang si Happy (Amo Wilding). Nang hindi niya kayanin ang tuition sa school na maaaring magbigay kay Happy ng mas magandang future, kumuha siya ng trabaho bilang school guard para maipasok doon ang kanyang anak.
Ang hindi niya inaasahan: ang principal pala ng school ay si Pio (Marvin Agustin), ang lalaking naka-clash na niya bago pa man siya magsimula sa trabaho. Habang ipinaglalaban ni Tina ang future ni Happy at sinusubukang ayusin ni Pio ang relasyon niya sa anak na si Kitty (Nathalie Apollo), ang araw-araw nilang asaran, bangayan, at kulitan ay unti-unting nagiging understanding, friendship, at baka… something more.
More than the much-awaited return of the Marvin-Jolina magic, “Mommy Guard” brings something fresh to the afternoon slot: a warm, funny, relatable, and easy-to-watch story about family, sacrifice, second chances, and finding happiness in unexpected places.
Kaya pagkatapos ng busy na umaga, may bagong show na nagbabantay sa good vibes at kilig ninyo.
“Mommy Guard” ang BANTAY NG HAPPINESS NINYO araw-araw, simula October 19, Monday to Friday at 2:30 PM on TV5 and ABS-CBN platforms.
TARA sa TV5.


