Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Beauty Queen, tinuhog ang dalawang sports personalities

Literal na mahaba ang hair ni ate mong beauty queen dahil pareho pala nitong tinuhog o sabay na jinowa ang dalawang sports personalities mula sa magkaibang sports discipline.

Pero mga ateng at kuyang, huwag daw po tayong magugulat ayon sa ating bubuwit mula sa mundo ng sports dahil mas ginawa pala itong exciting ni beauty queen.

Very sporty at game na game daw talaga ang action ni ateng beauty queen dahil na-involve siya sa isang matikas na basketball player mula sa isang kilalang koponan sa professional basketball, habang balita ding nakikipagmabutihan siya sa isang manlalaro naman sa professional volleyball ng mga babae.

Yes, trulala ang inyong nababasa dahil ayon sa ating bubwit from sports, hindi daw ito ginagawang big deal ng beauty queen dahil magkaiba naman daw ang “level” ng pagmamahal at atensyon na ibinibigay niya sa dalawa.

Maaari daw maloka ang karamihan sa ating mga Ka-BISTADO pero kapwa daw aware sina basketball player guy at volleyball gurl na pareho silang jinojowa ni beauty queen.

Si beauty queen ay nag-compete sa isang kilalang international pageant some years back at napasama siya sa top 5. Ang naturang pageant ay itinuturing na isa sa big 5 beauty pageants sa mundo gaya ng MIss Universe, Miss World, Miss International, MIss Earth at Miss Grand International o MIss Supranational hahahaha… Pumili na lang kayo by doing the process of elimination.

Marami ang nagduda sa pagiging boyish ni beauty queen noon lalo’t ang mga kaanak nitong kilala sa ibang larangan ay napabalita ding may lahing LGBTQ.

Habang si basketball player naman ay laking abroad at mulat sa kulturang hindi masyadong maka-pinoy. Halfie ang tawag sa kanya at mula siya sa isang basketball team na madalas ding pumapasok sa semis ng ligang kinasasalihan niya.

At si volleyball gurl? Naku, ang ganda -ganda niya. Hindi mo aakalaing sa kapwa niya babae siya (sa usaping gender po with due respect) mai-involve.  Mula naman siya sa isang champion team sa professional volleyball at graduate sa isang kilalang unibersidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles