Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Anne Curtis, hindi pinalampas ang “retokada” bashing 

Dahil idinamay ang anak na si Dahlia, hindi na nga napigilan pang sagutin ni Anne Curtis ang akusasyon ng isang basher sa platform na X (dating Twitter) na nagsabing siya ay “retokada”. 

Out of the blue nga ay may nag-post na netizen ng isang close-up photo ni Anne mula sa isang magazine cover niya (Preview Ball) at doon nga ipinagduldulan ng nasabing basher ang caption nitong  “Retokada yarn? Exhibit A – anak,” referring nag daw sa hitsura ng kialla ding anak ni Anne na si Dahlia. 

Kalmado at tatak-Anne na mahinahon and yet may kagat at asim itong sinagot ng kilalang host-actress na: 

“Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful.”

Anne says, “for me lang naman, my daughter and I are both beautiful.”

Saad pa ni Anne na bihira siyan pumatol o pumansin sa mga kagayang bashing subalit dahil idinamay pa ang kanyang anak, she has to speak up.

Paliwanag pa ni Anne, “I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang. I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you [need] some in your life. Big virtual hug. I mean that, sincerely. Good night!” 

Dahil dito ay mas nakakuha ng simpatiya at mainit na suporta si Anne at kinastigo pa ng marami ang tila bastos na basher.

Marami din ang nagtanggol kay Dahlia at ipinalala sa basher na pagmasdan nitong mabuti ang sarili sa salamin dahil ayon sa kanila ay tiyak na may kapintasan ito sa pisikal na aspeto o baka nga daw baka may mali sa pag-iisip nito para pati ang walang muwang na bata ay idamay sa pag-clout chase nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles