BANGKOK, Thailand – Pumanaw na si Thailand Princess Bajrakitiyabha Mahidol, abogado at panganay na anak ni King Maha Vajiralongkorn, sa edad na 47.
Ayon sa Bureau of the Royal Household, namatay siya noong Huwebes ng gabi sa Bangkok hospital kung saan siya inalagaan mula nang mawalan ng malay dahil sa karamdaman noong December 2022.
Kilala bilang Princess Bha o Princess Pa, naospital si Bajrakitiyabha matapos mawalan ng malay habang nagsasanay ng aso para sa army exhibition. Ayon sa palace, nagkaroon siya ng mycoplasma infection, isang bacterial infection na karaniwang iniuugnay sa pneumonia.
Kaunti lamang ang naging updates sa kanyang kondisyon matapos maospital. Noong April, natukoy ang stomach infection na nagdulot ng intestinal inflammation, pagbaba ng blood pressure, at irregular heartbeat. Ayon sa palace statements, suportado ng medical equipment ang kanyang kidney function at paghinga.
Noong May, sinabi ng Palasyo na lumala ang kanyang kondisyon dahil sa multiple infections sa ilang organs at hindi ma-stabilize ng mga doktor ang irregular heart rate niya.
Sa televised speech, sinabi ni Prime Minister Anutin Charnvirakul na mabigat ang pagdadalamhati ng Thailand.
“This loss is not merely bad news announced to the people, but an immeasurable grief in the hearts of the entire nation,” ani Anutin.
Tinawag din niya ang prinsesa na “pride of Thailand,” at sinabing “her commitment to building a society of kindness, justice, and equality, will forever remain as a moral legacy for the nation, a guiding light for generations of Thais.”
Ipinanganak si Bajrakitiyabha noong December 7, 1978 kina Vajiralongkorn, na noon ay Crown Prince pa lamang, at Princess Soamsawali. Ayon sa statement ng Thai government, siya ang only daughter ng Hari mula kay Princess Soamsawali at unang apo nina King Bhumibol Adulyadej The Great at Queen Sirikit The Queen Mother.
Mayroon siyang nakababatang kapatid na babae, si Princess Sirivannavari Nariratana Rajakanya, at nakababatang kapatid na lalaki, si Prince Dipangkorn Rasmijoti.
Noong May 5, 2019, binigyan siya ng titulong “Her Royal Highness Princess Bajrakitiyabha Narendiradebyavati.” Noong July 28, 2019, itinaas ito sa Her Royal Highness Princess Bajrakitiyabha Narendiradebyavati Kromluangrajasarinisiribajra Mahavajrarajadhita.
Nag-aral siya sa Rajini School, Heathfield School sa Ascot, United Kingdom, at Chitralada School sa Bangkok.
Noong 2001, nagtapos siya ng LL.B. degree, Second-Class Honors, sa Thammasat University, at B.A. in Political Science, First-Class Honors, sa Sukhothai Thammatirat Open University. Nakuha niya ang Barrister-at-Law mula sa Thai Bar Association noong 2004.
Nag-aral din siya sa Cornell University sa New York, kung saan nakuha niya ang Master of Laws noong 2002 at doctorate noong 2005, gamit ang dissertation tungkol sa protection of the rights of the accused.
Pagkatapos ng doctorate, sandali siyang nagtrabaho sa Thai Permanent Mission to the United Nations sa New York bago bumalik sa Thailand.
Nagsilbi siya bilang public prosecutor sa Office of the Attorney General sa Bangkok, Udon Thani, Pattaya, Nong Bua Lamphu, at Rayong. Naging Thai Ambassador to Vienna, Austria siya mula 2012 hanggang 2014.
Noong 2017, itinalaga siya bilang goodwill ambassador ng U.N. Office on Drugs and Crime. Naging special lecturer din siya sa Master of Laws Program ng Faculty of Law ng Thammasat University noong 2019.
Noong 2021, hinirang siya bilang King’s Close Bodyguard at kalaunan ay Chief of Staff sa King’s Close Bodyguard Command.
Kilala si Bajrakitiyabha sa justice reform work, lalo na sa Kamlangjai o “Inspire” project para tulungan ang incarcerated Thai women bago sila makalaya.
May partikular din siyang interes sa kalagayan ng female prison inmates, lalo na ang pregnant inmates at children attached to female detainees. Itinatag niya ang “Bajrakitiyabha Scholarship Program for Legal Studies” at pinamunuan ang scholarship program para sa master of laws degree sa Cornell Law School.
Itinatag din niya ang Friends in Need (of “Pa”) Volunteers Foundation sa ilalim ng Thai Red Cross Society para tumulong sa mga biktima ng natural at man-made disasters, lalo na floods.
Muling nabuksan sa kanyang pagpanaw ang usapin ng royal succession sa Thailand, isang sensitibong paksa sa ilalim ng mahigpit na lese majesty law na nagpaparusa sa kritisismo sa royal family ng hanggang 15 taon kada charge.
Si Prince Dipangkorn Rasmijoti ang presumptive heir dahil nauuna ang mga anak na lalaki sa line of succession ng Thailand. Pero nagdulot noon ng spekulasyon ang public service experience ni Bajrakitiyabha na maaari siyang magkaroon ng mahalagang papel sa future succession, posibleng bilang regent sa isang batang monarch.
May pitong anak si King Maha Vajiralongkorn mula sa tatlo sa kanyang apat na successive wives. Si Bajrakitiyabha ay isa sa tatlong anak ng hari na may royal title, kasama sina Princess Sirivannavari at Prince Dipangkorn.
“Her Royal Highness’s dedication, compassion, and love for the people will forever be remembered with gratitude. May the Princess rest in eternal peace,” saad ng Thai government. /Bistado


