Marami ang nakakapansin sa isang kilalang TV host na hindi na ito sumasabay sa kanyang mga kasamahan sa programa kapag nagbubukas o nagsisimula ang kanilang programa.
Ayon sa ating BISTADO bubuwit, dahil sa naging parte na umano ng production si kilalang TV host bilang isa sa mga co-producers aside from being one of the main hosts, tila daw pinasukan na ng kung ano ang imahe nito.
Kung dati daw ay excited ang mga kasamahan niya sa kanilang mga pinaghahandaang opening production number, ngayon daw ay nagbago na ito dahil inihiwalay na ni kilalang TV host ang sarili sa mga kapwa niya hosts ng show.
Ayon pa sa tsismis, may sarili na itong entrance sa show at ni-re-require nitong ang mga kasamahan niya ang kailangang nag-iintroduce sa kanya sa portion na tunay namang inaabangan siya ng lahat ng tao.
Sa totoo lang, si sikat na TV host naman talaga ang nagdadala sa naturang programa at marami nga ang nalulungkot na mga viewers o live audience kapag hindi nila nakikita o napapanood si kilalang TV host.
Mahusay naman talagang magdala ng show si kilalang TV host at sa kanya talaga ipinagkakatiwala ang programa.
Na tipong kapag inalis siya show ay posibleng hindi na ito suportahan o panoorin ng marami.
Hindi naman daw umano yun pagpapalapad ng papel o sobrang pagiging “entitled” dahil karapatan at simpleng demand lang naman daw yun kung tutuusin.
Besides, lagi naman daw napapatunayan na tumataas ang viewership at nagiging exciting ang show kapag portion na ni kilalang TV host ang pinag-uusapan.


