Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Makati Business Club: Senate President, susi sa pagbabalik ng tiwala sa Senado

Sinabi ng Makati Business Club (MBC) na malaking bahagi ng pagbabalik ng tiwala ng publiko sa Senado ay nakasalalay ngayon sa pamumuno ng Senate President, matapos ang tinawag nitong “unprecedented drama and chaos” sa session ng chamber noong May 11.

Nagbabala ang influential business group na seryosong nasaktan ang kredibilidad ng Senado sa sensitibong panahon, habang nakaupo ang mga senador bilang impeachment court para sa trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa MBC, isa ito sa pinakamahalagang constitutional responsibilities ng mga senador. Kaya dapat unahin ng mga mambabatas ang national interest at democratic stability kaysa personal o political agenda.

Iginiit ng grupo na mabigat ang responsibilidad ng Senate President sa pagbawi ng integridad ng institusyon. Siya ang head, chief executive officer, at legal representative ng Senado.

Ayon sa MBC, dapat magsilbi ang Senate President bilang moral compass, administrative guardian, at public face ng chamber.

Nagbabala rin ang grupo na bumababa ang public confidence kapag nakikitang partisan ang Senate leadership o kulang sa independence at moral authority.

Pinaalalahanan din ng MBC ang mga senador na inihalal sila para maglingkod sa publiko, hindi sa personal, political, o business interests.

Nanawagan ang grupo sa mga senador na manatiling gabay ang Constitution habang umuusad ang impeachment proceedings laban kay Duterte.

Hinamon din ng MBC ang mga mambabatas na unahin ang long-term democratic stability kaysa short-term political survival.

Ayon sa grupo, huhusgahan ng kasaysayan ang magiging kilos ng mga senador sa panahong ito, lalo na habang nakasalalay sa Senado ang pagdinig sa impeachment case ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles