Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Matapos ang ‘blockade’ announcement ni Trump, oil prices sumirit muli

Hindi pa man napapatupad ang inaasahang rollback sa presyo ng langis sa Pilipinas, sumirit na naman ang presyo ng krudo sa world market ilang oras matapos ianunsyo ni US President Donald Trump ang planong pagharang sa oil shipments ng Iran sa Strait of Hormuz.

Ilang oras matapos ang blockade announcement, lumundag muli ang presyo ng langis lampas $100 kada bariles. Ang Brent crude ay umakyat sa $102.80 kada bariles, dagdag na $7.60 o halos 7.98 porsyento. Ang US West Texas Intermediate ay pumalo sa $104.88 kada bariles, tumaas ng $8.31 o 8.61 porsyento.

Ang blockade announcmenet ay kasunod ng kabiguan ng pag-uusap ng US at Iran para tapusin ang digmaan. Dahil dito, naghahanda ang US Navy na ipatupad ang blockade sa Strait of Hormuz, isang kritikal na ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.

Ayon sa energy experts, ang hakbang ay posibleng magharang sa hanggang 2 milyong bariles kada araw na oil flows na konektado sa Iran. Bunsod nito, inaasahang babalik ang merkado sa kondisyon bago ang ceasefire, ngunit mas mataas ang risk dahil sa bagong hakbang ng US.

Ayon pa sa US Central Command, sisimulan ang pagpapatupad ng blockade sa lahat ng sasakyang pandagat na papasok at lalabas sa Iranian ports. Nagbabala naman ang Iran Revolutionary Guards na ituturing nilang paglabag sa ceasefire ang anumang barkong militar na lalapit sa naturang ruta.

Ang panibagong pagtaas ng presyo sa world market ay dumating halos kasabay ng inaasahang rollback sa Pilipinas, na sana ay magpapagaan sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles