Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gobyerno sa Meta: Umaksyon laban sa oil crisis fake news

Nagbabala ang pamahalaan at direktang pinakikilos ang Meta para pigilan ang pagkalat ng maling impormasyon kaugnay ng krisis sa Langis.

Sa isang liham noong April 10 mula sa Department of Information and Communications Technology, ipinaabot kay Meta CEO Mark Zuckerberg ang panawagan para sa “immediate measures required to prevent publication of false news.”

Ayon sa nilalaman ng liham, nahaharap ang Pilipinas sa tumitinding “economic and public vulnerability driven by the ongoing global oil crisis,” kung saan ang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin ay nagpapataas ng sensitivity ng publiko sa impormasyon tungkol sa ekonomiya at aksyon ng gobyerno.

Binigyang-diin din ang mabilis na pagkalat ng “false, misleading, and panic-inducing content,” lalo na sa usapin ng oil prices at economic disruptions, na nagdudulot ng “direct and escalating threat to public order, economic confidence, and national security.”

Inatasan ng pamahalaan ang Meta na higpitan ang laban sa fake news at panic-inducing content sa kanilang platforms, dahil ayon sa monitoring ng gobyerno, patuloy na kumakalat ang maling impormasyon na posibleng lumalabag sa Article 154 ng Revised Penal Code.

Nakasaad din sa liham na ang ganitong mga gawain, lalo na kung ginagawa sa digital platforms, ay saklaw ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Binigyan ang kumpanya ng takdang oras para maglatag ng plano at magpatupad ng mas mahigpit na hakbang laban sa disinformation, kabilang ang mas mabilis na pagtukoy at pagtanggal ng mapanlinlang na content.

Babala ng gobyerno, posibleng humantong sa ligal na aksyon kung hindi agad makikilos ang Meta.

Sa ngayon, hinihintay ng pamahalaan ang tugon ng Meta sa panawagan na palakasin ang laban sa fake news kaugnay ng oil crisis. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles