Nanawagan ang Reporters Without Borders (RSF), isang international press watchdog, sa Philippine authorities na makipagtulungan nang buo sa independent investigation ng Commission on Human Rights sa pagkamatay ng community journalist na si RJ Nichole Ledesma.
Ayon sa RSF, si Ledesma, 30, ay editor ng online outlet na Paghimutad-Negros at regional coordinator for Negros Island ng independent media network na Altermidya. Napatay siya noong April 19 sa Negros Occidental sa isang military operation na laban umano sa New People’s Army (NPA), kung saan 19 katao ang napatay.
Sinabi ng RSF na ayon sa mga kasamahan ni Ledesma sa Altermidya, wala siya sa mismong site ng clash nang mamatay. Nagrereport umano siya noon tungkol sa expansion ng solar farms at wind energy projects sa isang peasant community na tatlong kilometro ang layo sa clash site.
“His colleagues maintain that he was covering events on the ground as a reporter,” ayon sa RSF.
Noong April 23, itinanggi ng military spokesperson ang status ni Ledesma bilang journalist at sinabing lahat ng 19 na napatay ay “members of an armed group.” Nang kontakin ng RSF, sinabi ni Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na si Ledesma ay “among those who engaged in gunfights with our soldiers, according to firsthand testimonies from our troops.”
Noong April 27, naglabas naman ng statement ang armed group na nagsabing journalist si Ledesma at hindi isinama ang pangalan niya sa listahan ng mga miyembrong napatay sa clash.
Ayon sa RSF, karaniwang nakararanas ang news professionals sa Pilipinas ng maling pag-label bilang “subversive” o “terrorists,” taktika na kilala bilang red-tagging.
Noong April 23, inanunsyo ng Commission on Human Rights ang pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso ni Ledesma. Dahil sa magkasalungat na bersyon ng military at ng mga kasamahan ng journalist, iginiit ng RSF ang buong kooperasyon ng mga awtoridad.
“Contradictory accounts from the military and the journalist’s colleagues call for the utmost caution. Given the Philippine military’s long record of attacks on and criminalization of journalists, who are often accused of belonging to armed groups without any evidence, it is reasonable to think that RJ Nichole Ledesma was killed because of his work. We therefore call on the authorities, especially the military, to fully cooperate with the ongoing investigation to establish the facts,” ani RSF Asia-Pacific Director Cédric Alviani.
Bilang patnugot ng online news outfit na Paghimutad-Negros, pangunahing tinutukan ni Ledesma ang environmental issues at human rights violations. Ang huli niyang article noong March ay tungkol sa mga lokal na mangingisda na tumututol sa reclamation projects na naglalayong palawakin ang infrastructure sa coastal areas, na sisira sa fishing grounds nila.
Sa tala ng RSF, hindi bababa sa 148 Pinoy journalists na ang napatay mula nang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1986. Noong 2026, nasa rank 114 sa 180 bansa ang Pilipinas sa RSF World Press Freedom Index. /Bistado


