Umabot sa 209 cybercrime cases ang ni-refer for filing ng Philippine National (PNP) Police Anti-Cybercrime Group sa mga operasyon nito noong April.
Kasabay nito, 104 indibidwal ang naaresto sa entrapment operations at pagsisilbi ng warrants.
Nagsagawa rin ang pulisya ng 108 cyber warrants, 2,196 cyber patrol activities, at 77 digital forensic examinations noong nagdaang buwan. Nagresulta ang mga operasyon sa pagkakasagip ng 19 biktima at conviction ng siyam na offenders.
Binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na kailangang palakasin ang kakayahan ng pulisya laban sa cyber threats.
“Sa panahon ngayon na halos lahat ay konektado na online, mas pinalalakas natin ang ating kakayahan para protektahan ang publiko laban sa mga krimeng nangyayari sa digital space. Hindi tayo titigil sa paghabol sa mga lumalabag sa batas,” ani PGen Nartatez.
“We remain committed to building a secure and trustworthy online environment. Our message is clear—those who exploit technology to harm others will be held accountable, while we continue to safeguard victims and support their path to justice,” dagdag niya.
Tiniyak ng PNP na palalakasin pa nito ang cyber capabilities, koordinasyon sa partner agencies, at proactive operations para tugunan ang mga bagong banta sa digital landscape. /Bistado


