Asan nga daw ba si Mr. Pebbles?
Iyan ngayon ang tanong ng maraming kabisto matapos umugong ang samu’t saring espekulasyon sa social media at online forums tungkol sa umano’y ruta ng pagtakas ng isang kontrobersyal na senador.
Sa Reddit at iba pang platforms, kaliwa’t kanan ang bulungan. May screenshots. May timelines. May mga netizen na todo himay sa bawat detalye.
Isa sa mga lumutang na pangalan? Isang dating aktres at ang kanyang mister na matagal nang may koneksyon sa isang property sa Batangas.
Ayon sa mga kabisto, may mga netizen na naghihinalang posibleng naging mahalagang stopover point ang nasabing lugar matapos kumalat ang “tweety bird” claim ng isang kilalang broadcaster.
Sa nasabing kwento, sinasabing mula raw sa Senado ay dumiretso si Mr. Pebbles kasama ang isang action star senator sa isang yacht club sa Maynila. Doon umano sila sumakay sa yate ng isang “tanyag na politiko” bago pumalaot patungong Batangas.
At heto ang juicy detail.
Ayon sa tweety bird, ang pangalan daw ng yate ay “masarap na buhay” sa English.
Pagdating umano sa Batangas, doon na raw sumakay ng chopper si Mr. Pebbles patungong Mindanao. Hindi na raw kasama sa biyahe ang actor-senator.
Dahil dito, muling umingay ang pangalan ng isang kilalang political kingmaker na matagal nang inuugnay sa malalaking eksena sa pulitika. Ayon sa ilang kabisto, hindi raw ito ang unang pagkakataon na nasasangkot ang kanyang pangalan sa mga kontrobersyal na operasyon tuwing may malalaking political crisis.
Samantala, may mga netizen ding naghuhukay ngayon ng mga lumang posts at posibleng sightings sa Batangas para pagtugmain ang timeline ng umano’y escape route.
Pero hanggang ngayon, puro haka-haka at online speculation pa lamang ang lahat ng ito.
At habang lumalakas ang bulungan tungkol sa posibleng mga tumulong, isang paalala naman ang lumutang mula sa gobyerno.
Kung asan ka man, Mr. Pebbles, may warning sa’yo ang DOJ: arestado ka kapag lumabas ka ng bansa.
Yun na. Bistado!


