Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Award-Winning Actress, hindi na nag-report sa set dahil..

Pinag-uusapan ngayon sa production ng isang malaking upcoming series ang hindi na pagsipot ni award-winning actress.

Kilala bilang professional at masipag si award-winning actress at kahit past her prime na ang kanyang pagiging sikat na sikat, very reliable pa rin siya bilang “veteran” sa presence ng mga batang performers.

Madalas din siyang kinukuha sa mga TV series dahil may dala-dala umano itong  suwerte kaya’t nagiging top rating ang mga shows na kasali ito.

Pero marami ang nagulat recently dahil sa isang upcoming series na may mahalagang role itong ginagampanan, bigla na lang daw itong hindi na sumipot sa set after ng more than two weeks nitong pag-report at pagtatrabaho.

Sa info na nakarating sa BISTADO, diumano’y hindi pa daw pala nababayaran ang award-winning actress ng kahit anong sentimo simula ng tanggapin nito ang project at magtrabaho.

Hindi rin daw sumunod ang production sa napagkasunduang ire-replace ng CASH ang napaunang cheke na na-issue dito na diumano’y tumalbog sa bangko.

“A matter of principle po. First time na nangyari ito kay… (award winning actress). Very respectful naman po siya at hindi naman laging after the money. In fact, madali nga siyang kausap sa rate niya kaya’t parang hindi na maganda yung halos months na ang nawala sa iyo at nagtrabaho ka ng more than two weeks ng tuloy-tuloy, pero ni incentive ay wala at hindi pa na-replace yung tumalbog na first payment?,” ayon sa source ng BISTADO.

Sa napag-alaman pa ng BISTADO, grabeng bongga ang project na pinag-uusapan dahil hango ito sa isang sikat na Korean series na naging global hit at i-a-adapt sa Philippine TV.

Bibida rin dito ang isang batang artista na tunay namang sikat at mula sa angkan ng mga artistang mahuhusay.

Ang support cast din ay hindi matatawaran dahil pulos mga bigatin, award-winners at mahuhusay ang mga direktor na involve dito.

Kaya’t nakapagtataka daw kung bakit may isyung hindi nababayaran ng tama, may chekeng tumalbog na hindi na-replace at ilan pang nakaka-intrigang isyu na parang malayo sa imahe ng produksyong gumagawa nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles