Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Singer-Actress, inangkin nga ba ang mga pasalubong?

Nakakaloka ang pinag-uusapang tsika tungkol sa isang sikat na singer-actress na laging dumadayo sa ibang bansa para mag-show.

Isa si singer-actress sa madaling ibenta na mga performers sa mga out of the country shows dahil bukod sa magaling naman talaga itong kumanta, mahusay din itong makisama sa mga tao at may very pleasing personality.

Sa isang bansa na kanyang pinuntahan ay hindi nakapagtataka na mahalin siya at bigyan ng mga magaganda at mamahaling gifts mula sa mga pinoy na aliw na aliw sa kanya.

Kaya lang kung totoo ang nasagap naming tsismis, parang mababahiran ito ng pagtatanong dahil ayon daw mismo sa isang kaibigan na taga entertainment industry din ay tila may something na nangyari na pinagtatakhan nito.

Ang tsika, si entertainment friend ni singer-actress ay may mga kamag-anak sa bansang pinuntahan ni singer actress.

Ini-endorse daw ni entertainment friend sa kanyang mga kamag-anak si singer actress na ginawa naman at halos bigyan ito ng red carpet treatment dahil hindi lang  nilibre sa mga hotel, food at pasyal, kundi talagang ipinakilala pa sa mga ibang kaibigan nila doon kahit sa mga non-pinoy.

At ang bongga nga diyan, dahil very pleasant at masayahin si singer actress, paldong-paldo nga ang mga jokes nito kahit hindi siya nagpe-perform. In short, tila nadoble pa ang kanyang talent fee sa dami daw ng mga nagbigay ng in cash and in kind na gratitude sa kanya.

Pero ang clincher nga ng kuwento ay nung ang mga kamag-anak ni entertainment friend ay nag-request kay singer-actress na bitbitin na rin nito ang ilang items para sa kanilang kaanak pagbalik ng Pilipinas.

In short, napakisuyuan at tinanggap naman daw ito ni singer actress dahil “all expenses paid” na naman daw ang naging extra luggage nito at may extra bonus pa. 

Kumbaga nga daw, halos itinuring na din siyang good friend ng mga kamag-anak ni entertainment friend dahil very close nga daw ito sa kaanak nila.

Ang siste, nakabalik na daw sa bansa si singer-actress at inabot na ng lampas dalawang buwan ay ni hay o hoy daw ay hindi ito nagpaparamdam kay entertainment friend at nothing to be heard daw tungkol sa mga ipinakisuyong pasalubong para sa entertainment friend?

Ayaw naman daw sumbatan ni entertainment friend si singer-actress dahil baka daw naging busy lang o baka hindi pa nito nabubuksan ang mga bitbit na extra luggage kaya’t hindi pa nito naibibigay ang mga ipinakisuyo ditong items.

Well, hindi naman daw siguro yun pag-interesan na “angkinin” ni singer actress noh? Pero lampas two months na nga daw kasi since makabalik ito ay wala man lang daw itong sinasabi kay entertainment friend niya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles