Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eat Bulaga hosts, nasampolan ng LTO

Hindi muna magagamit ni Ian Red, isa sa mga hosts ng Eat Bulaga noontime show sa TV5, ang kanyang driver’s license matapos siyang patawan ng parusa ng LTO o ng Land Transportation Office (LTO).

Sa inilabas ng Show Cause Order ng naturang ahensya, napatunayang nakagawa ng violation si Red bilang siyang nagmamaneho ng sasakyan kung saan sa kumalat na video sa socmed ay may mga nalabag silang alituntunin ng LTO. Nangyari ang insidente noong Martes, Sept. 22,

Una na diyan ang hindi nito pagsuot ng seatbelt habang nagmamaneho at panay ang tingin sa mobile camera habang nag-drive.

Ang nag viral na driving violation ni Red at ibang kasama sa Eat Bulaga… kuha sa FB

Nakita rin ng LTO na bumaba pa ito ng sasakyan habang nasa kalsada at iniwang nakabukas ang pintuan nito.

Ayon sa kumalat na video, nakasakay din sa naturang SUV ang mga co-hosts niyang sina Maine Mendoza, Miles Ocampo at Ryzza Mae Dizon.

Masayang nagkakantahan ang mga ito at tila gumagawa nga ng pwede nilang gawing entry sa kanilang socmed accounts.

Ayon kay  LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao,  hindi naman bawal ang gumawa ng content para sa socmed kahit nasa loob ng sasakyan for as long as sinusunod ng driver ang mga patakaran sa kalsada.

Sa nangyari ay posibleng na-violate ni Red ang mga sumusunod:  “Failure to Wear the Prescribed Seatbelt Device, Reckless Driving at Distracted Driving.”

Kaya naman haharapin nito ang mga penalties at orders gaya ng pagbibigay ng 90-day preventive suspension sa driver’s license ni Red at paggawa nito ng written explanation at pag-apir sa LTO  Intelligence and Investigation Division (IID) on September 29, 2026.

Ayon naman sa nakalap ng BISTADO, marespeto namang sumunod si Red at mga co-hosts sa itinakda ng LTO at nangako silang mag-cooperate.

Hindi naman umano ito babalewalain ng Eat Bulaga management pati ng mga main hosts gaya ng Tito, Vic and Joey na dinaan na lang sa “joke at kantiyaw” kina Red ang pangyayari pero pinaalalahanan ang mga ito ng pagiging responsable at pagsunod sa mga batas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles