Naku usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang isang laging nagpapakilalang direktor pero wala naman talagang “opus” na matatawag na tumatak sa kanya bilang isang direktor ng pelikula.
Dahil daw sa koneksyon nitong si direktor sa ilang mayayamang mga naging kliyente niya ay naipakilala nga siya sa isang food chain brand na in-eme-eme niya sa mga advocacy projects kuno.
Simula noon ay ipinagkatiwala na kay direktor ang isang advocacy project na may koneksyon sa negosyo ng ngayoý kanyang pinaglilingkurang kumpanya.
Ang siste, ayon sa tsismis ng mga dati niyang mga kasama noong mga panahon na “kaning bahaw” pa daw ang pinagtitiyagaan nila bilang mga aspiring journalists, bigla na lang daw nag-iba ang ihip ng hangin sa pakikitungo sa kanila ni direk.
Hindi na raw ito basta-basta sumasama sa mga “jologs” na lakad nila o ma-aya man lang sa mga “tusok-tusok the fishballs” moment gaya daw noong nasa kolehiyo pa sila at wala ni pamasahe papunta sa mga malls.
Ïbang-iba na siya ngayon. Feeling niya ay ka-level na niya ang mga amo niya sa yaman. Ang yabang yabang niyang mag-post na naka-first class kapag nag-aabroad pero yung tema ng mga ginagawa niya para sa kumpanya nila ay pang-purita mirasol (poor and miserable). Pang-masa at pang-jologs, ” litanya ng mga nag-Marites.
Kahit ramdam daw ng ilan na may “inggit” ang mga kaibigan niyang tila tinalikuran na niya, marami din naman ang nagpapa-totoo na nagkaroon na nga ng “air of arrogance” si direktor.
“Bakit hindi siya mag-pi-feeling na ganun eh siya itong itinalagang tagapamahala ngayon ng karir ng isang dating sikat na personalidad na nagkaroon ng bonggang koneksyon sa isang talaga namang high level ang buhay, ” sey pa ng mga Marites.
Ang problema nga lang ni direktor, pressured siya ngayon lalo kung paano maibabalik man lang ang kahit katiting na “ningning” ng personalidad na of late nga ay nasuong sa maraming mga iskandalo.
“Naku huwag kami. Kilala namin ang kanyang pinanggalingan. Ang kanyang mga ka-eklayan sa buhay. Toothpick at fish ball lang ang katapat niya,” ang pahabol naman ng isa pang Marites.
Aguy. Paano naman naming makilala si direktor kung hindi man nga lang niya na-experience ang mainstream showbiz?
Still the who? Hahaha!


