Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, dedma sa panawagan ng kapatid at mga kaanak

Gaya ng lumabas dito sa BISTADO hinggil sa tsikang naghahanda na ng pang-bail si Lakam Chiu, ang kapatid ni Kim na inaresto ng QCPD sa bisa ng warrant of arrest last Saturday, may latest update sa isyu.

Ayon pa rin sa source ng BISTADO, talaga daw nakapag-ready ng pam-bail si Lakam sa itinatakda ng korte na 5.838 million pesos bail sa 24 counts of qualified theft na isinampa laban sa kanya ng kapatid.


Lakam Chiu, umaasa pang magkaka ayos sa kapatid kahit pinakulong na… kuha sa FB

Subalit noong Lunes nga daw, Sept. 22 ay hindi nga nag-materialize ang paglabas nito sa kulungan dahil kinapos ng halagang 700 thousand pesos ang nalikom na pera para mabuo ang 5.838 million.

Kaya naman naglabasan din ang mga tsika nitong Martes na nakiusap na nga daw ang ilang malalapit na kaanak nila na pakinggan man lang ni Kim ang naturang pakiusap ng nakakulong pa rin nitong ate.

Dahil dito, balita ding thru her legal counsel ay nakiusap si Lakam sa korte na mababaan ang piyansa na ipinataw sa kanya para siyaý makalaya at maharap ng mas maayos ang mga kaso niya.

Ngayong araw, Martes ay naglabasan na din ang mga balitang inilarawan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang negosyanteng si Lakambini “Lakam” Chiu bilang “the No. 6 Most Wanted Person of Kamuning Police Station (PS #10).

“Dedma” pa rin daw si Kim sa mga naglalabasang istorya tungkol sa kapatid at may tsismis pang diumanoý blinock na nito ang mga kaanak at kaibigan nilang close sa kanyang ate.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles