Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Singer-Actress, patago-tago sa pinagkakautangang kapwa Aktres

Hanggang ngayon pala ay hindi pa fully paid si singer-actress sa utang nito sa isang kapwa aktres na sumagip sa nooý negosyo niya noong pandemic.

Si Singer-Actress ay legit na kilala sa concert scene at may madalas ding lumalabas sa mga TV series at ilang movies kung saan nga niya naka-tropa si kapwa aktres na ngayoý isa na ding movie at concert producer.

Taong 2020, sa kasagsagan ng pandemic na walang raket at stable na trabaho ang marami, sinubukan ni singer-actress na pasukin din ang mundo ng “live selling” gaya ng ilang mga aktres o aktor.

Ang kapwa aktres ang nag-garantiya sa singer-actress na bigyan ito ng “good words” sa ilang mga kilalang negosyante na nag-engage na din sa pagbebenta online dahil lahat nga halos ng mga consumer goods, services and products ay sa digital world na nagpunta.

In short, dahil sa koneksyon ni kapwa actress sa mga negosyanteng mayayaman at well-established ang mga kumpanya, nagkaroon ng link si singer-actress at nagmukha pa siyang “belong sa business circle” ng mga altas.

Sa ganitong senaryo pumasok ang investment ni kapwa aktres sa singer actress na naging malakas ang raket sa online.

Ayon sa mga sources, tinatayang nasa 10 milyong piso ang na-invest ni kapwa actress na eventually ay naging pagkakautang ni Singer-actress dahil ayon dito, pinaikot-ikot nito ang puhunan lalo’t lumakas hanggang abroad ang mga produkto nila, lalo na diumano sa Middle East kung saan maraming OFW na pinoy.

Taong 2023 nnag mag-normalize na ang maraming bagay, subalit kahit ang ipinangakong “tubo” sa puhunan ni singer actress para kay kapwa actress ay wala daw naibigay.

Minsan lang umano itong nakapagbayad ng 1 milyon mula sa 10 million plus interest nitong utang at simula daw noon ay tila dedma na ito kay kapwa aktres.

Ang masaklap pa nito, nagawa pa diumano ni singer-actress na “siraan”si kapwa actress sa ilang mga negosyanteng ipinakilala lang sa kanya ni kapwa actress dahil hindi lang daw dito sa Pilipinas pinasikat ni singer-actress ang mga produkto kundi maging abroad.

At dahil si singer-actress  nga ay maabilidad, nagagawa nitong “i-tie-up”sa kanyang mga raket na shows at concerts ang mga produkto at services na kanyang ninenegosyo.

Samantala, well established naman ang yaman ni kapwa actress na isa ng concert at movie producer sa ngayon.  Hindi daw ugali nito ang mangulit sa mga taong may utang sa kanya dahil yun nga, matulungin lang daw talaga ito at mahilig magpa utang.

Pinagkakatiwalaan din siya ng kanyang mga partner kahit taga abroad dahil sa ganda ng record niya at kahit anong gawin ni singer-actress na paninira ay hindi nito napapaniwala ang mga negosyanteng mas ka-level ni kapwa aktres ang status sa buhay.

“Between the two of us, she (singer-actress) is more burdened to prove her innocence and why she is avoiding me or us. Sino ba ang laging umiiwas at parang nagtatago? Ask her that and let her know hindi lahat ay madadaan sa mga shows, concert or what. She owes me money period,” ang simple pero maasim na paalala mi kapwa aktres.

Apparently pala, may tv series na dapat silang magsasama subalit nang malaman umano ni singer actress na kasali ang kapwa aktres na kanyang inutangan, nag eme-eme daw itong may pinaghahandaang series of shows abroad.

Ay guilty? Nandun na ang clues noh!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles