Natupad din ayon kay Unkabogable Star Vice Ganda na makapag perform siya sa opening rites ng UAAP.
Ayon sa sikat na tv host-actor, dati ay simpleng tagatangkilik lang siya ng UAAP at cheerer sa mga paborito niyang basketball players o volleyball players from his alma mater Far Eastern University.
“Sobrang surreal. Nakakapag-perform na ako sa maraming stage at venues but this is entirely a new ballgame for me kumbaga. Feeling ko ang daming nag flash back sa aking memories nung patpating student pa lang ako ng FEU,”. tsika ni Vice after niyang mag perform.
Kasama ni Vice na naging headliner sa naturang sports event na inaabangan ng lahat ng member universities sa Manila sina Mikha at Maloi ng sikat na BINI group at ang mahusay na rapper na si Gloc 9.
Nag uuumapaw ang hiyawan, sigawan at palakpakan sa Mall of Asia Arena last Saturday, Sept. 12.
Naikumpara sa kilalang “Super Bowl” ang naturang opening production number at feeling nasa ganung level daw si Vice ng tila sindihan niya ang paghuhudyat ng pagsisimula ng Season 89 ng UAAP.
Ang Far Eastern University ang host ng season kaya naman super grateful ang queen if all network sa pagkakataong ibinigay sa kanya. Saad nga nito, “FEU allowed me to be free, free to be myself.”
Bukod pa sa mga nabanggit na headliners, nag perform din sa filled to the rafters venue ang ilan pang kilalang
celebrities gaya nina Darren Espanto, Maki, Kyle Echarri, at ang ngayo’y kinababaliwang “It’s Showtime” girl group Baby Dolls.
Katulad ni Vice, proud alumni din ng FEU si Glic 9 na siyang unang nag perform ng kanyang mga hits including “Upuan” and “Simpleng Tao,” among others.
Darren, Maki, Kyle Echarri, and the Baby Dolls then shared the floor with Vice Ganda bago pa man magbahagi ng kanyang matikas at matapang na mga pahayag sa tungkulin ng mga students sa social realities at isyu sa lipunan sa pamamagitan ng sports.
Nakatanggap ng bonggang applause at papuri si Vice Ganda mula sa mga spectators at mga students mula sa mga member universities na present sa season opening.


