Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DMW: 7 Pinoy seafarers nasaktan sa Iranian drone attack

Pitong Filipino seafarers ang nasaktan matapos ang iniulat na Iranian drone attack sa kanilang Malta-flagged container ship sa Strait of Hormuz noong Martes, May 5.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, sakay ang mga Pilipino ng container ship San Antonio, na tinukoy din sa ulat bilang CMA CGM San Antonio, nang tamaan ito habang dumaraan sa Strait of Hormuz sa night transit malapit sa Oman.

“The seafarers are alive. They survived the attack, and they have been taken out of the ship,” ani Cacdac sa isang news briefing.

Lahat ng pitong Filipino crew members ay nakaligtas at kasalukuyang ginagamot sa ospital. Apat sa kanila ang nagtamo ng minor injuries, habang tatlo ay inilarawang nasa “more serious condition” at nasa intensive care unit ng hindi pinangalanang ospital.

Walong crew members ang kabuuang nasugatan sa insidente, habang napinsala rin ang barko.

Nakikipag-ugnayan umano ang DMW sa hospital authorities para bantayan ang kondisyon ng mga nasaktang seafarers at matiyak na natatanggap nila ang proper medical treatment and care.

May communication line na rin ang DMW sa Filipino crew at patuloy itong nagbibigay ng impormasyon at kinakailangang tulong sa kanilang mga pamilya.

Mino-monitor din ng relevant embassies, labor attachés, at Migrant Workers Office sa lugar ang sitwasyon sa pamamagitan ng ospital. Nakatakda rin silang bumisita sa mga seafarers sa mga susunod na araw. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles