Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa loose firearms matapos ma-account ang 12,618 firearms sa buong bansa mula January 1 hanggang April 30, 2026.
Sa parehong period, nakapagtala ang PNP ng 4,038 arrests kaugnay ng violations on loose firearms.
Ang mga baril ay na-account sa pamamagitan ng confiscation, surrender, at recovery operations sa ilalim ng Republic Act 10591. May 1,398 firearms naman ang boluntaryong isinuko para sa safekeeping at proper disposition.
Noong April 1 hanggang April 30 lamang, 1,045 indibidwal ang naaresto at 3,176 firearms ang na-account. May 442 firearms din ang boluntaryong isinuko, na ayon sa PNP ay nagpapakita ng patuloy na public awareness at kooperasyon sa mga awtoridad.
Kabilang sa pinakahuling development ang voluntary surrender ng assorted firearms sa Balanga City, Bataan noong gabi ng May 4. Isinagawa ang turnover sa koordinasyon ng local police authorities.
Kasama sa mga isinukong armas ang shotguns, rifles, pistols, revolvers, at isang sub-machine gun. Nasa secure police custody na ang mga ito para sa verification, safekeeping, proper documentation, at disposition.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na ang pagdami ng voluntary surrenders ay indikasyon ng mas malakas na public trust at shared responsibility sa pagpapanatili ng peace and order.
“Mas nakikita natin ngayon ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat isa. Hindi lang ito trabaho ng kapulisan, kundi sama-samang pagsisikap para mapanatili ang ligtas na komunidad,” ani Nartatez. /Bistado


