Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Retokada queen, nag-Korea trip, pero wa epek?

May isang nepo politiko ang laman ngayon ng bulung-bulungan ng mga kabisto matapos umano itong biglang mawala sa public eye ng halos isang linggo.

Ayon sa chika, hindi raw ito simpleng pahinga. Diretsong lipad daw si ategurl sa South Korea para sa panibagong retoke session. Yes, another one daw, to the nth level na ang peg.

May eyewitness pa ang ating kabisto. Nakasabay daw niya sa eroplano papuntang Seoul ang naturang “retokada queen.” In fairness, low profile daw ang arrival. Wala gaanong security detail. Tahimik lang sa isang sulok ng plane.

Pero mas interesting ang comeback.

Sa isang kakaibang pagkakataon, nakasabay ulit ng kabisto ang parehong politiko pauwi ng bansa. This time, naka facemask na si ategurl. Takpan ang fezlak, iwas usisa, ganun ang dating.

Kaya naman mabilis nagdugtong-dugtong ang kwento. Plastic surgery trip daw ang ganap sa Seoul.

Pero heto ang plot twist.

Nang muling lumitaw sa media ang ating bida, napansin ng ilang kabisto na parang… wala naman masyadong nagbago. Same look. Same aura. Walang dramatic transformation na inaasahan sa isang Korean retoke package.

Kaya may mga napa-iling. Sayang daw ang milyones na ginastos sa trip kung ganun din ang resulta.

At syempre, may mga bulung-bulungan din kung saan nanggaling ang budget para sa ganitong escapade. Pero hanggang bulong lang muna ang lahat.

Clue para sa mga gustong manghula.
Isang nepo politiko na kilala sa madalas na bangayan sa kanyang high-power na kapatid na nasa politika rin.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles