Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Trump binira si Pope Leo: ‘I’m not a fan’

Binatikos ni US President Donald Trump si Pope Leo XIV sa social media nitong Linggo, April 12, at sinabing hindi ginagawa ng unang Amerikanong Santo Papa ang kanyang trabaho nang maayos.

Bahagi ang bagong mga pasaring na ito ng lumalalim na alitan ng dalawa kaugnay ng digmaan sa Iran.

Sa kanyang post, sinulat ni Trump na “Pope Leo is WEAK on Crime, and terrible for Foreign Policy.” Idinagdag pa niya na ayaw niya ng Santo Papa na “thinks it’s OK for Iran to have a Nuclear Weapon.”

Makaraan ang ilang oras, muling nagsalita si Trump sa mga mamamahayag matapos lumapag ang Air Force One sa labas ng Washington mula Florida.

“We don’t like a pope who says it’s OK to have a nuclear weapon,” ani Trump.

Tinawag din niya si Leo na “very liberal person” at sinabing, “I’m not a fan of Pope Leo.”

Nauna rito, kinondena ni Pope Leo XIV ang tinawag niyang “delusion of omnipotence” na umano’y nagpapalala sa digmaan ng US at Israel laban sa Iran, at nanawagan sa mga lider na magbalik sa negosasyon para sa kapayapaan.

Sinabi ito ng Santo Papa habang isinasagawa ang panalangin sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagsisimula ng face-to-face talks ng Estados Unidos at Iran sa Pakistan sa gitna ng ceasefire.

Bagamat may mga komento ang Santo Papa, hindi pinangalanan ni Pope Leo ang Estados Unidos o si Trump, ngunit ang tono ng kanyang mensahe ay malinaw na tumutukoy sa mga ito. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles