Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

JM de la Cerna-Marielle Montellano (JMielle) grand champion ng YFSF season 4, may concert agad

Tinanghal na grand champion last Sunday, April 12, ang duo nina JM de la Cerna at Marielle Montellano sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) season 4 sa ABS-CBN.

Nakuha ng dalawang produkto ng Tawag ng Tanghalan singing competition ang pinakamataas na 94% combined votes ng mga judges sa naging final performance nila at sa previous scores nila sa buong season.

Napanalunan nila ang tumataginting na isang milyong piso at iba pang mga pakete mula sa mga sponsor ng show na tumagal din ilang buwan sa ere tuwing Sabado at Linggo.

Ang duo nina Vhong Navarro at Jhong Hilario ang nagsilbing mga hosts ng show habang ang mga jury members naman ay sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman at Ogie Alcasid.  May mga pagkakataong nag-re-relyebo bilang jury sina Erik Santos at Karla Estrada gaya ng umupo silang mga jury in the absence of Sharon Cuneta.

Consistent ang JMielle sa mga naging performances nila sa buong season kung saan tatlong linggo din silang tinanghal na weekly champion kung saan bukod sa mga jury members ay binibigyan din sila ng score ng kanilang mga kapwa contenders.

Sa kanilang grand final performance na “And I Am Telling You, I Am Going” ay ginawa nila ang mala-halimaw na bosesan at stage showmanship na ginawa noon nina Jessica Sanchez at Jennifer Holliday sa American Idol kung saan nga nakilala ang fil-mexican nating si Jessica.

Naging runner-up naman nila si Alexa Ilacad na kinulang lang ng .5% para tumabla sa 94% ng grand champion. Marami din ang nanghinayang na supporters ng dalaga dahil sa nakuha nitong 93.5% kung saan sinasabing tila nagkamali daw ito ng napiling music icon na si Shakira.

Pinag-usapan din ang participation ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil ito ang lumabas na most improved among the seven contenders na pawang mga kilala at establish nang singers.

Memorable at grabe din ang effort ng mga performances ng mga iba pang hopeful gaya nina Jason Dy na ginaya si Beyonce, Jarlo Base bilang si Freddie Mercury,  Dia Mate as Rihanna, Akira Morishita bilang si Justin Timberlake, at si Rufa Mae Quinto na pinagkaguluhan bilang si Katy Perry.
Lahat ng mga performers ay tumanggap din kanilang mga respective individual award ayon sa ipinakita nilang husay sa buong season. 

Samantala, matapos ngang tanghaling mga kampeon sina JM at Marielle ay agad silang ipag-poproduce ng concert sa darating na May.

Billed as “JMIELLE: Sings the Icons,” the music event is set to happen on May 29, 2026 at the SM North EDSA Skydome.

Gaya nila, may nakatakda ding isang comedy concert si Rufa Mae Quinto na ididirek naman ni Vhong Navarro at sa BIg Dome ito napapabalitang gaganapin ngayong May 21-21.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles