Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kilalang Acclang TV Host-Actor, ni-level up na ang regalo sa mga “basketball players”

Kung pag-uusapan daw ang pag-level up ng pagbibigay ng regalo sa mga nakukursunadahang mga lalaki, partikular diumano sa mga basketball players na “kahinaan” ni kilalang acclang tv host-actor, hindi umano matatawaran ang style nito.

Kung noong 90’s daw ay mga branded na shoes ang ipinamimigay ni tv host actor, nag-level up daw ito noong 2000’s bilang siya na ang naging manager ng maraming teams sa mga liga ng basketball sa iba’t-ibang lugar.

Pero higit daw itong ni-level up ni tv host-actor ngayong 2020’s dahil mga trips here and abroad na ang inireregalo nito sa mga natitipuhang players na “willingly” naman daw na sumasama o jumojoin sa mga lakad o imbitasyon nito.

“Juscolored na matamis naman talaga. Ikaw ba naman ang maraming raket na negosyo sa mga shows bukod pa sa mga night joints na kasosyo siya, plus may regular siyang mga TV and movie projects, can afford na can afford naman niyang i-level up ang mga bagay-bagay noh,” tsika ng mga Marites na mga accla na tinatawag nga ngayong “mommy” ang naturang tv host- actor.

Yun nga lang daw, hindi daw talaga trip ni tv host-actor ang magkaroon ng steady o ng matagalang pakikipag-relasyon sa mga ito dahil masaya na raw ito na maraming “players” ang nababaliw sa kanyang kariktan hahaha!

Kumpara diumano sa ilang higit na matataas na ehekutibo o mga who’s who sa industriya na nag-aalaga at gumagastos ng limpak-limpak sa iisang player o talent lamang, si tv-host actor daw ay trip na ipagmalaki at sabihing, “excuse meeh, dumaan na iyan sa akin noh!,” sabay daw irap, taas ng kilay at buong pagmamalaking i-brodkas na walang player diumano na nakipag-relasyon din sa ibang higit na mayayaman o influential figures ang hindi umano “dumaan” sa kanya.

Aguy uy!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles