Grabe ang kantiyaw na inaabot ng isang singer-actress sa socmed dahil sa biglaang pag-postpone ng kanyang pinapangarap na major solo concert..
Noong umpisa daw ay very confident si singer-actress na kayang-kaya niyang mapuno ang isang concert venue na madalas na ginagamit lamang ng higit na established na music artists sa industry.
Minsan nga kahit super sikat ang isang concert artist ay nahihirapan pa itong mapuno dahil minsan, mali talaga ang petsa o pagkakataon ng isang show.
Halos isang taon umanong pinaghandaan ni maarteng singer-actress ang naturang major concert sana niya dahil mula sa ilang matagumpay naman niyang stints here and abroad ay napagdesisyunan ng kanyang management na ready na siya for a bigger venue, na siya ang main performer.
Kaya daw pala tinawag na “maarte” si singer dahil kahit daw nasa trentahin na ito ay para umano itong sixteen years old kung magsalita, kumilos on stage o hindi kayaý sumagot ng mga tanong.
“Wala lang, nakakairita lang talaga siyang kausap dahil sa laki niya, sa awra niyang para siyang kontrabida dahil sa makapal na make-up at sa haba ng nguso niya, ang hilig niyang mag-emote na virgin siya o pa-sweet na hindi naman niya talaga image,” ang banat ng mga bashers niya.
Sa totoo lang isa si singer-actress sa mga new batch of singers na talaga namang world class ang boses kung bosesan ang pag-uusapan.
Magaling din siyang aktres dahil ayon sa napag-alaman ng BISTADO ay minsan na siyang nanalo ng acting award para sa isang advocacy film na siya ang bumida.
May mga nagpapatunay namang soft spoken talaga sa personal si singer actress at lagi lang daw itong nami-mis-interpret ng marami, lalo na ng mga negatrons.
“She’s really sweet and soft spoken. Being confident is not being yabang. Ang importante, mahusay siya at world-class ang boses. Kinikilala na siya sa international scene,” pagtatanggol naman ng mga supporters nito.
Well, mukha ngang sa halos ilang taon na ding nasa industriya si singer ay tila hindi pa niya makuha ang simpatiya at suporta ng mga pinoy fans at mahihilig sa music at concerts.
Base din kasi sa napag-alaman ng BISTADO, talaga daw matumal o naging matumal ang bentahan ng tickets para sa kanya sanang major concert.
Kaya nag-decide ang kanyang management na i-postpone muna ito at i-anunsyo na final na sa 2027 na umano ito gaganapin.
Although walang rason na sinabi kung bakit ito na-postpone, nagkakaisa ang marami sa pagsasabi na nang dahil nga daw sa halos wala pa sa 10% ang nabentang tickets sa venue na may capacity na 20,000.
Ayon nga sa online term pagdating sa ticket selling, “nangitlog” sa box-office ang naturang event sana ni singer-actress. Tsk, tsk, tsk.


