Tinupad ni Ernest John Obiena ang pangako na manatiling kampeon ng pole vault sa Asian Games.
Tumalon ng 5.91 metro ang pinagmamalaki ng Tondo, Maynila upang manaig sa mga pambato ng China na sina Yao Jie and Li Chenyang sa Nagoya City Mizuho Park Athletic Stadium nitong Martes ng gabi.
Kapwa nagtala ng 5.70m ang ma Chinese ngunit kay Yao napunta ang silver sa countback.
Ito ang ikatlong ginto ng Pilipinas matapos ang dalawa ni Carlos Yulo sa gymnastics (floor exercise at vault).
Ang dating Engineering student ng University of Santo Tomas ay una rin lumundag ng 5.75m, nabigo sa dalawang subok sa 5.80m at bumawi ng 5.91 para sa ginto.
Binura ng 30-anyos na si Obiena ang Asian Games record nya na 5.90m noong 2023 Hangzhou Asiad.
Bronze naman ang nakuha ng 23-anyos na Filipino-American na si Victoria Bossong sa women’s 800m.
Tinapos ni Bossong ang karera sa loob ng 2 minuto at 5.34 segundo, kasunod nina gold medalist Wu Hongjiao ng China (2:04.49) at silver medalist Nelly Korir ng Bahrain (2:05.16).
Ang pambato ng Siargao na si Jayuard Alciso ay nagdagdag ng men’s surfboard bronze ng ungusan ang kapway Pinoy na si Toby Espejon, 10-9.
Sinimulan nina Abegail Sinogbuhan, Jean Marie Sucalit at substitute na si Nelly Jay Saron ang araw ng Martes sa paghandog ng ikatlong silver ng Pilipinas sa sepak takraw women’s doubles, bagama’t bigo sa Vietnam, 0-2.
“I have mixed emotions because we really didn’t expect to reach the finals. We simply prayed to the Lord that we would win a medal of any color at these Asian Games. But now that our doubles event has concluded, the Lord has blessed us with this silver medal. It feels absolutely amazing,” ani Sinogbuhan.
“All the exhaustion and failures from past competitions came flooding back. It was painful for us to return to the Philippines empty-handed — without a medal. Now, by the grace of God, we’re bringing one home. A silver one, at that.”
Sa inaabangan na women’s singles tennis, tagumpay sa opening match si Alexandra Eala laban kay Patcharin Cheapchandej ng Thailand, 6-1, 6-0.
Susunod na makakaharap ng 21-anyos na top seed si Joanna Garland ng Chinese Taipei.
Sa pagtatapos ng araw, ang Pilipinas ay may 3-3-12 gold-silver-bronze.


