Pinag-uusapan sa isang umpukan ng mga manunulat ang tsikang naduwag diumano ang isang kilalang writer-direktor na isa sa mga dapat na namuno ng isang showbiz event kamakailan dahil balitang nagsakit-sakitan ito kaya’t hindi nakarating.
Ayon sa mga tsika, baka diumano kuyugin ng mga tanong si writer-direktor hinggil sa isang pangyayari involving a major celebrity na long overdue na daw para sa isang national recognition.
Ang tsika pa, malaki umano ang partisipasyon ni writer-direktor sa prosesong ginawa at tila naka-impluwensya pa ito ng ibang sangkot din sa naturang proseso ng pilian.
At dahil naligwak nga daw si major celebrity, may mga naghihinala umano na may something not so pleasant na ginawa o idinikta si writer-direktor sa naging pangyayari.
Magkakaroon na daw sana ng kasagutan ang mga umiikot na intriga dahil after ng naturang pangyayari ay kapwa pala imbitado at magkikita dapat sina writer-direktor at major celebrity sa isang event na apparently ay parte din pala si writer-direktor, subalit last minute nga daw ay nagpa-abiso itong may sakit.
Kuda tuloy ng mga netizen at supporters ni major celebrity, “naku magtigil siya, Naduwag lang siya kaya siya nagsakit-sakitan. Alam na alam niyang marami ang magtatanong sa kanya about the issue and tsismis at dahil guilty siguro siya, kaya nagpa-abiso na lang. Kaloka di ba? Isa siya sa mga organizers ng event at lider nito pero halatang halata ang hindi niya pagsipot hahaha!”


