Taas-kilay ng ating mga kabisto matapos kumalat ang collage ng photos ng isang gobernadora na tila may soft spot sa apat-na-dahong motif.
Kuwintas, hikaw, singsing, pulseras—parang may Alhambra sa bawat okasyon! May kasama pang price list ang post. Ang isang 20-motif necklace, US$76,500 o halos P4.8 milyon daw. Ang bracelet na may diamante? US$17,900 o lampas P1.1 milyon.
Aba, hindi na basta pang-accessorize ang presyuhan!
Kaya tanong ng mga kabisto: saan naman daw naharbat ang ganitong mga alahas? Regalo ba? Matagal nang koleksiyon? O may kuwentong hindi pa natin naririnig?
Highly-coveted Van Cleef and Arpels bling-bling ang mga suot ni madam, samantalang mga road projects daw sa probinsya nya, highly-delayed naman!
Clue para sa mga gustong manghula: ang lalawigan ni Madam ay kilala sa niyog at lambanog.
Yun na. Bistado!


