Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3,000 Pinoy seafarers naipit sa Persian Gulf

Tinatayang 3,000 Pilipinong seafarer na sakay ng 400 barko ang nananatiling naipit sa Persian Gulf matapos muling isara ang Strait of Hormuz dahil sa panibagong kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), hindi makalabas sa naturang ruta ang mga barkong may sakay na mga Pilipino.

“The department is closely coordinating with the licensed manning agencies and the shipowners of these vessels still in the Persian Gulf to ensure the seafarers’ safety and welfare,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Tinitiyak ng DMW ang tuloy-tuloy na pagbabayad ng sahod at benepisyo ng mga seafarer. Nakikipag-ugnayan din ang ahensiya sa mga manning agency at shipowner para matiyak na may sapat silang pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan habang nananatili sa mga barko.

Samantala, umabot na sa 3,718 Pilipinong seafarer ang ligtas nang nakalabas sa Strait of Hormuz.

Kabilang dito ang mga lulan ng M/V Al Rekayyat at M/V Wedyan, na kapwa may tig-15 Pilipinong tripulante. Nakalabas ang dalawang barko noong July 6 at 7, pero kapwa inatake habang bumibiyahe malapit sa Strait of Hormuz.

Nakadaong na sa Oman ang dalawang barko. Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 15 seafarer ng M/V Al Rekayyat, habang patuloy na inaalam ng DMW ang kalagayan at kinaroroonan ng mga tripulante ng M/V Wedyan.

Nananatiling handa ang pamahalaan na i-repatriate ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng labanan at nais bumalik sa bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles