Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Walang tubig sa ilang parte ng Maynila dahil sa Maynilad leak repair 

Tuloy ang repair works ng Maynilad sa major secondary leak sa Florentino Street, Sampaloc, matapos magdulot ng water interruption sa ilang bahagi ng Lungsod ng Maynila ngayong Miyerkules, June 17.

Ayon sa abiso ng Maynilad sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila ngayong umaga, patuloy na inaayos ang nasirang linya ng tubig sa lugar.

Batay sa paunang assessment, nagkaroon umano ng misalignment sa ilang bahagi ng naunang kinumpuni. Posible umanong itong dulot ng malakas na water supply pressure.

Nasa lugar na ang contractor ng Maynilad at target na makumpleto ang pagkukumpuni bago mag-alas-12 ng tanghali ngayong araw.

Habang isinasagawa ang repair, tuloy naman ang paghatid ng tubig ng mga kawani ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Department sa mga lugar na apektado ng water interruption.

Sa direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, agad na kumilos ang mga kawani ng lungsod upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente habang kinukumpuni ng Maynilad ang apektadong linya.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Maynilad para sa updates sa sitwasyon.

Ayon sa city government, mino-monitor nito ang pagkukumpuni at agad na maglalabas ng panibagong abiso kapag may karagdagang impormasyon mula sa Maynilad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles