Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Wala namang maidadagdag’: Prosecution, baka hindi na ipatawag si VP Sara sa impeachment trial

Posibleng hindi na ipatawag ng House prosecution si Vice President Sara Duterte bilang witness sa kanyang impeachment trial dahil baka wala ring maidagdag ang kanyang testimony sa mga ebidensiyang naiharap na.

Ito ang sinabi ni House private prosecutor at legal spokesperson Benjamin “Jay” Tolosa Jr. sa isang panayam nitong Linggo, October 11.

“For now mukhang hindi na. Kasi nga ang isa sa mga considerations dyan, we’ve always said before bakit namin gustong patawag si vice president, assuming it will be allowed?” ani Tolosa.

Nauna nang pinagplanuhang ipatawag si Duterte para sagutin ang mga tanong tungkol sa confidential funds, bank accounts, tax records at business interests.

Pero ayon kay Tolosa, sinabi ng defense na hindi umano maalala ni Duterte ang joint Bank of the Philippine Islands account nila ng kanyang amang si former President Rodrigo Duterte, pati ang anumang transaksiyon dito.

Tinukoy rin niya ang posisyon ng defense na hindi basta makakakuha si Duterte ng impormasyon tungkol sa bank accounts na nakapangalan lamang sa asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio.

“Ayaw naman natin pangunahan kung anong punto nila, kung anong strategy nila, pero parang same dun sa kay former president, parang hindi niya din alam. So kung ganun lang din yung magiging sagot, ayaw naman natin pangunahan, but based dun sa lumalabas mukhang ganun, wala din use na ipapatawag namin para marinig ng mga senator judges sa kanya yung mga bagay kung ganun lang din naman ang mangyayari,” paliwanag ni Tolosa.

Tinapos na ng prosecution ang pangunahing presentasyon ng ebidensiya sa testimony ni forensic financial analyst Alexander Cabrera, na pinagsama-sama ang government, bank at iba pang financial records kaugnay ng yaman ni Duterte.

“So we thought baka sayang lang yung oras ng lahat so mas magandang we’ll end with this witness na pinagtahi tahi na niya lahat nung mga records, government records and different…itong mga pieces of evidence na binuo niya para to show us yung complete, according to him, financial status nitong vice president natin,” ani Tolosa.

Hindi pa pinal ang desisyong huwag ipatawag si Duterte. Sakop din ng impeachment court rules at constitutional right against self-incrimination ang anumang planong pagtestigo niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles