Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PITX halos puno na, dagdag terminal at ‘smart transport hubs’ pinaplano

Halos sagad na sa kapasidad ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaya pinag-aaralan na ang pagpapalawak nito at pagtatayo ng iba pang magkakaugnay na transport hubs.

Umabot sa 60.28 milyon ang pasahero ng PITX noong 2025, mas mataas ng 17 porsiyento kumpara noong 2024.

Sa unang hati ng 2026, nakapagtala na ito ng 32.45 milyong pasahero, o average na 180,000 kada araw, malapit sa kapasidad nitong 200,000.

Ayon kay PITX Director for Corporate Affairs, Government Relations and Branding Jason Salvador, target nilang palawakin ang terminal, pagandahin ang koneksiyon ng mga ruta at pabilisin ang digitalization sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

“The direction is really towards making PITX not just bigger, but smarter, more connected and part of a wider network of transport hubs,” sabi ni Salvador.

Kabilang sa plano ang paggamit ng katabing 1.7-ektaryang lupa para sa dagdag na bus space at mas maayos na daloy ng mga sasakyan at pasahero.

Umuusad na rin ang Baguio Integrated Terminal, habang pinag-aaralan ang Quezon City Integrated Terminal Exchange.

Target ang hub-and-spoke system na mag-uugnay sa mga terminal sa iba’t ibang lugar.

“For me, PITX was the proof of concept. The next step is to replicate what worked here, organization, connectivity, technology and passenger convenience, in other strategic locations,” ani Salvador.

Sa kasalukuyan, 112 city at provincial routes ang sineserbisyuhan ng PITX.

Kasama rin sa modernization plans ang online booking, live schedules, mas maayos na passenger information at mas mabilis na transactions, habang pananatilihin ang traditional ticketing.

Dadaan pa sa final designs at approvals ang mga expansion project bago ipatupad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles