Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Wakas at Simula: The Trilogy Finale Concert, grandest ever ng SB19

Hindi nga nagkamali ang limang members ng SB19 na sina Stell, Pablo, Ken, Justin at Josh nang pare-pareho nilang sabihin na sa so far, maituturing nilang ‘grandest ever concert’ nila ang “Wakas At Simula: The Trilogy Finale Concert”.

Bukod sa jampacked in attendance ang napakalaking SMDC Festival Grounds, Paranaque City last Saturday, grabe daw ang ginawa nilang paghahanda mla sa choreography, concept, mga bagong dance moves and steps at siyempre pa ang lahat ng sumikat nilang mga kanta na naging global hit din.”

Pagsama-samahin ba naman kasi yung mga kanta at sayaw na nagpasikat ng husto sa kanila, natural na magiging grandest nga at sobra pa,” komento ng mga ka-A’TIN at mga ka-MaHALIMA.

Sa dami ng mga kinanta at pasabog na production numbers ng P-pops Kings ay umabot ng halos 4 hours ang nasabing concert.  

Opening number palang ay napaka-spectacular na with matching fireworks at mga kung ano-ano pang production effects.

Sulit na sulit nga raw ang medyo may kamahalang ticket price dahil bongga ang lahat ng numbers. World Class ang stage, pati ang lights and sounds.

Isama pa diyan ang mga pabulosong costumes ng mga mga performers na alam mong hindi tinipid.

As expected kinanta ng SB19 ang hitsongs nila tulad ng “Dam”, “Gento”, “8TonBall”, “Ilaw”, “Time”, “Liham”, “Moonlight”, “I Want You”, “Dungka”, “Bazinga”, “Mana”, “Crimzone”, “Freedom”, “SLMT”, “Go Up”, “Shooting For The Stars” at “Mapa”

Nakiki-sing-along talaga ang A’TIN sa lahat ng kantahin ng Mahalima maging ang mga bagong kanta nila na nasa “Wakas At Simula” album tulad ng “VISA”, “Memories”, “Everblack”, “Wakas”, “What?” at “Emoji” ay memorize na ng fans. 

First time ring pinerform ng SB19 ang “Toyfriend” ng live kung saan nakasama pa mismo nila sa stage ang ka-collab nila sa kanta, ang sikat na Japanese boy band na BE:FIRST.

Pero bago matapos ang show ay isa-isang nagbigay ng touching na mensahe ang limang hari ng P-pop. Lahat sila ay maluha-luha sa pagbabahagi ng naging journey nila.  Lubos din ang pagiging thankful nila sa mga fans na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanila. 

Tinatayang more than 75 thousand o higit pa ang mga taong sumaksi at nakisaya sa sinasabing biggest concert ng SB19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles